NANINIWALA ang isang Bicolano congressman na may mapagkukunan na pondo ang gobyerno para makapagbigay ng panibagong bugso ng ayuda, partikular ang tig-P10,000 sa hanggang 20 milyong pamilyang Filipino.
Ayon kay Camarines Sur 2nd Dist. Rep. Luis Raymund Villafuerte, base sa website ng Department of Budget and Management (DBM), ang national government ay mayroon pang
P204 bilyong unobligated, ibig sabihin ay walang malinaw kung saan ilalagay o gagamitin ang pondo hanggang noong December 31, 2020.
Bukod dito, mayroon pa aniyang P452 bilyon na unutilized fund, o hindi pa nagamit na pondo ang pamahalaan sa nasabi ring petsa.
Kaya naman nanindigan si Villafuerte na may kapasidad ang Duterte government na matustusan ang panukala nila na House Bill (HB) No. 8597 o ang Bangon Pamilyang Pilipino (BPP) Bill, na naglalayong bigyan ng pamahalaan ng tig-P10,000 ang hanggang sa 20 milyon na pamilyang Filipino,
Comments are closed.