by Jayzl Villafania Nebre/Photos by Felicisimo Barcelon, Jr.
Sa dami ng gusto nating puntahan ngayong tag-araw, napakalayo ng tanaw ng ating mga mata. Gusto nating pumunta sa Palawan, sa Davao, sa Boracay — ang hindi natin napapansin ay yung malapit lang. Ang Kaybiang Tunnel.
Ilang beses kaming napadaan sa lugar na ito pero hindi naming napapansin ang kagandahan ng lugar. Little did we know na sikat na sikat na pala ito sa lahat, pati na sa mga turista. Pinagdarayo na pala ito ng marami.
Kilala bilang pinakamahabang road tunnel sa Pilipinas, sikat ang Kaybiang Tunnel sa mga byahero at motorista, dahil sa napakagandang view ng Nasugbu, Batangas. May haba itong 300 metro, at itinuturing na pinakamahabang road tunnel sa Pilipinas, Binutas nito ang Mt. Palay-Palay, at may vertical clearance itong 4.85 meters.
Kumukunekta ito sa Nasugbu at Ternate, Cavite.
Sinimulang gamitin ang Kaybiang Tunnel noong 2013, bilang short cut patungong Kamaynilaan. Kaya huwag nang lumayo pa. Mamasyal sa Kaybiang.JVN