KC, APL D AP UMABOT KAYA SA ALTAR?

faceup

MARAMI ang interesado sa buhay at pag-ibig ni KC Concepcion, na sa kasalukuyan ay nasa Amerika pa rin. Segurista talaga ang panganay ni Sharon Cuneta pagdating sa pag-ibig. Sa dami ng kanyang nakarelasyon, lahat yon ay nauwi sa hiwalayan. Sa ganda ni KC, talagang panalo ang lalaking mamahalin niya.

Pero ano nga ba ang real score sa kanila ni Fil-Am hip-hop rap artist na si Apl ‘d.ap? Mismong mga kababayan natin ang nagkukuwento na madalas makita ang dalawa na magkasama. Kamakailan, muntik na raw silang magkita ng kanyang ex-boyfriend na si Piolo Pascual sa Yamashiro Hollywood, favorite hang-out nina KC at Apple. Sakaling nagkita sina KC at papa P, may isnaban kayang magaganap? Mag-iiwasan kaya ang dalawa?

Ano ba ‘yan! Matagal nang hiwalay ang dalawa, siguradong magbabatian sila!. What’s exciting ay kung ano ba ang real score kina KC at Apple. Naiinip na ang mga close friends ng dalawa. Pareho na silang nasa tamang edad at dapat nang mag-asawa. Si KC nga, wala na siya sa kalendaryo. Ano  yan, hihintayin pa ba niya ang lotto at bingo? Palagay namin, sabik na rin si Sharon Cuneta na magkaapo.

Sa mga followers ni KC sa kanyang instagram at twitter, nakikita nila ang kanyang mga latest post. Kitang kita sa kanyang mukha as in gandang awra na siya. Mukhang very much in love. Mukhang she really found Mr. Right sa katauhan ni Apl ‘d ap. Hintayin na lang natin ang tamang panahon, kung kailan isisiwalat na dalawa na magsyota na sila, at kung mauuwi kaya sila sa kasalan.

***

PIOLO PASCUAL KAPAMILYA PA RIN

Nasa GMA 7 na ang tatay-tatayan ni Piolo Pascual na si direk Johnny Manahan kaya marami ang naghihinalang susundan niya si Mr. M. Di ba nang nagkaroon ng show si Mr. M. sa TV 5, sumunod si papa P? Yun nga lang, naging short lived lang kanilang show.

Hanggang ngayon, wala pang TV projects ang aktor. Naging abala siya sa promosyon ng pelikulang My Amanda kaya visible siya sa social media. Kamakailan, tinuldukan ni Piolo ang hinala ng lahat nang sabihin niyang “I have never left and will never leave my Kapamilya. I am Kapamilya through and through.”

Pero teka lang, di ba nagkaroon ka ng Tv show sa TV 5? Ano ‘yun? Hindi mo lang mapahindian si Mr. M?

Sabagay, kahit walang shows ang aktor, abala naman siya pagpo-produce ng pelikula at kahit huminto siya sa syobis, marami na siyang ipon at mga investments. Ang kulang na lang sa kanya ay ang babaing mamahalin niya at pakakasalan. Sobrang swerte ng babae makakasama niya habang buhay, dahil bukod sa napakaguwapo ni Papa P, napakasipag pa. Sa ngayon, hintayin na lang natin kung mapapanood natin muli sa ASAP si Papa P. Doon lamang  natin masasabing may isang salita nga siya at tunay na Kapamilya..

4 thoughts on “KC, APL D AP UMABOT KAYA SA ALTAR?”

  1. 408284 664696Thanks for some other excellent post. Where else could just anyone get that type of information in such an perfect means of writing? Ive a presentation next week, and Im at the search for such info. 872347

  2. 353561 598132Plenty of writers recommend just writing and composing no matter how bad and if the story is going to develop, you will suddenly hit the zone and itll develop. 850893

Leave a Reply

Your email address will not be published.