KC CONCEPCION MUNTIK MALUMPO DAHIL SA COVID-19

MUNTIK na palang maparalisado si KC Concepcon nang magkaroon siya ng coronavirus at naapektuhan ang kanyang utak ka­makailan lamang. Laking pasasalamat niya kay Dr. Albert Recio na siya raw tumulong sa kanya.

Akala raw niya ay simpleng sakit lamang ito pero sa loob lamang ng isang gabi ay lumala umano ang kanyang karam­daman na nakaapekto sa kanyang motor skills at utak. Naagapan naman umano siya at ngayon ay nagpapagaling na siya, pero nanghihina pa rin ang kanyang katawan.

Paalala ni KC sa lahat na ingatan nila ang kanilang mga katawan at huwag balewalain ang mga inaakala nilang simpleng sakit. Natakot daw siya ng husto sa nangyari sa kanya at akala niya ay talagang hindi na siya makakalakad uli.

Mag-isang naninirahan si KC ngayon sa New York dahil sa ginagawa niyang pelikula na siya ang bida. Kasama niya dito ang iba pang Filipino celebrities tulad ni Yam Concepcion, Rachel Alejandro, Tony Labrusca at Black Eyed Peas’ Apl.de.Ap.

 

TONI GONZAGA ALL OUT KAY BBM

Kahit aksidente lamang ang hayagang pagsuporta ni Toni Gonzaga sa kandidatura ni presidential frontrunner Bongbong Marcos, all out naman ang aktres sa kanyang ginawa. Ngayong araw na ito, May 9, huhusgahan sa national and local elections kung sino ang susunod na pangulo ng bansa at mahuhusgahan din kung ano ang mangyayari sa career ni Toni.

In fairness, may nakaabang nang mga proyekto para sa kanya if ever dahil kinuha na siya ng network ni Manny Villar.

Sa totoo lang, ang daming nag-away dahil sa iisang araw na eleksyong ito. Hindi lamang mga artista kundi pati magkakamag-anak at magkakaibigan. Kahit kami sa bahay, iba-iba ng choice ng presidente kaya hindi na lang kami nag-uusap tungkol dito. Katwiran namin, may freedom naman sa Pilipinas. Saka isang araw lang ang eleksyon at mas mahalaga pa rin ang pamilya at kaibigan. Kahit pa sabihing ang iba sa kanila ay nakasama at nakasalamuha namin ng personal, kapag nanalo ba sila, maaalala pa nila kami? Vote wisely na lang. Iboto kung sino ang pinipili ng iyong puso at kunsensya.