TILA tuluyan nang kinalimutan ni KC Concepcion ang kanyang showbiz career magmula nang muli itong ma-in love.
Sa current post ni KC ay makikitang enjoy ito sa piling ng French boyfriend na si Pierre Emmanuel Plassart at tila namangha ang mga tagahanga ng panganay na anak ni Sharon Cuneta sa pag-aari ng castle ng boyfiend nito.
Katunayan ay halos lahat ng lugar sa castle ay may kinunan ni KC at mararamdaman mo na tila at home na at home ang panganay ng Megastar. Ang naturang castle ay 600 years old at pag-aari ito ng pamilya ni Pierre.
“I`ve never felt so at home in a 600 year-old house until now. A house, no matter how big or how old, how small or how new becomes a HOME when filled with love, laughter, family get togetherness, conversation, jokes, home cooked meals, great wine & just happy memories all around. Don’t you agree?” caption ni KC sa isang post.
Sana nga ay natagpuan na ni KC ang tunay na lalaking magmamahal sa kanya nang lubos at handa siyang pakasalanan.
VICE GANDA NAPAAMIN SI LIZA SOBERANO SA KANYANG FIRST KISS
NAGING guest ni Vice Ganda si Liza Soberano sa kanyang show na Gandang Gabi Vice at sa segment na Guilty or not Guilty ay napaamin ng si-kat na TV host/comedian si Liza kung nahalikan na siya sa lips.
Ang naging tanong kasi ay, “minsan ka ba nahalikan ng lalaki sa lips?” Eh, biglang natawa si Liza na nangangahulugan na guilty ang actress.
“Natawa lang ako sa question!” sagot ni Liza na tila humihingi ng second chance.
Follow-up question ni Vice kay Liza, “so nahalikan ka na?”
“Lagot na ako kay Tito Ogie (Diaz), manager ni Liza).”
Tanong uli ni Vice,`kailan `yon?
“Hindi naman kasi …I was caught off guard. Mayroon mga accident kiss, ‘di ba?” paliwanag ni Liza.
Baling at hirit ni Vice, aksidente pero swak na swak sa labi?
“Eksena yon, pero hindi siya kasama sa eksena. Hahahaha!” natatawang sagot ni Liza.
Tinanong ulit ni Vice kay Liza, “Kailan ito?”
Kaagad na sagot ni Liza, “Recently.”
Sabi ni Vice, “eh wala ka naman palabas, ‘di ba?
“Mayroon po, katatapos lang,” aniya, na ang tinutukoy ay ang Bagani.
Pero tila biglang nahimasmasan si Liza sa pag-amin kaya kaagad na sinabi, “joke lang. Hahahahaha!”
Pero talagang ayaw ni Vice na hindi malaman ang katotohanan kaya ibinulong na lang ni Liza ang pangalan ng lalaki na aksidente natikman ang kanyang kissable lips.
“So can (Ken ang palayaw ni Enrique Gil) we say the name?” say ni Vice na ‘yon na nga, si Enrique nga ang lalaking aksidente nakatikim ng kanyang labi.
Pero ang nakakagulat lang ay biglang sinabi ni Liza na hindi pa raw sila magdyowa.
“Hindi pa po kami. Hindi pa po official,” aniya.
Well, baka bawal sa kani-kanilang kontrata ni Enrique na aminin na may dyowa na sila.
MARK HERRAS NATULALA SA SWEETNESS NI WINWYN MARQUEZ
SA Instagram wall ni Winwyn Marquez ay makikita ang sweetness nila ng kanyang boyfriend na si Mark Herras.
Makikita nga sa Instagram ni Winwyn ang video ni Mark kung saan ay biglang sumulpot mula sa likod si Winwyn na siyang dahilan para ma-out of focus ang camera ni Mark at ang sumunod ay nakatutok na sa kanila ang camera na kung saan makikitang naglalandian na ang magdyowa.
“I usually don’t post mga ganito but watch sa pinakauna ng video and wait for it..the things you see on YouTube hahaha.”
Tapos ng gulat factor ay makikita na sa video na niyayakap na ni Winwyn si Mark at mapapansin din sa video na tila mas aggressive si Winwyn sa eksenang ‘yun dahil siya mismo ang pumupupog ng halik kay Mark.
Take note, hindi lang isang beses kundi dalawa o tatlong beses na ihaharap ni Winwyn kay Mark ang kanyang mukha para siya ay halikan.
Kapansin-pansin na parang tuliro si Mark sa mga nangyayari at hindi malaman kung ano ang gagawin sa ginagawang paglalandi sa kanya ng girlfriend.
Makikita sa mukha rin ni Mark ang kasiyahan sa ginagawang paghaharot sa kanya ni Winwyn.
Marami ang kinilig sa video ng magdyowa at maging ang kanilang mga kasamahan sa Kapuso Network ay nagulat at nainggit sa tamis ng kanilang pagmamahalan.
Kailan naman kaya magaganap ang kasalan?
Comments are closed.