Napakaganda at napaka-sexy pa rin ni KC Concepcion kahit wala na ang edad niya sa kalendaryo. Sa Filipino standard, maituturing na siyang matandang dalaga. Well, magandang matandang dalaga, at that. Kasi naman, 39 years old na at single pa rin, at wala tayong nababalitaang lovelife. Puro passing fancy lang.
Hindi naman sa Marites tayo. I guess, Mamaru – nagmamarunong kahit walang gaanong alam, hahaha! Sa totoo lang, nag-aalala dahil mukhang mabuting bata naman si KC.
Sa isang taon, 40 years old na ang actress and jewelry designer na panganay na anak ni Megastar Sharon Cuneta at eteran actor Gabby Concepcion. Sure, beautiful and sexy pa rin siya at okay lang sana kung lalaki, pero alam naman nating ang kababaihan, may biological clock. Kapag tumigil yan, waley na.
What I’m trying to say is, ayaw b ani KC na magkaanak? Never mind kung ayaw niyang mag-asawa, pero anak, ayaw ba niya? Napakaraming paraan para magkaanak na hindi mo kailangang mag-asawa.
Sa last birthday niya, ipinakita niya kunf gaano siya kaganda at kaseksi kahit nagkakaedad na. at bongga ang kanyang outfit, na puro mamahalin at imported. Simple yet feminine look si KC, gamit ang pink Hermès A Vos Crayons 90 silk scarf.
Saying na kagandahang maraming nagmimithi ngunit hindi makamit.
Naalala ko noong bata pa siya, may tumawag kay KC na ‘poor little rich girl.’ Mayaman, Maganda, mabait. Ano pa ng aba ang mahihiling mo? Pero pihikan nga yata ang puso ni KC. Sino kaya ang makakasungkit nito?