TAONG 2014 nang itayo ng Callalily front man na si Kean Cipriano ang Concho’s Sisig: The Home of Sisig Goodness at kasosyo niya rito ang band mate na si Tatsi Jamnague, manager na si Darwin Hernandez at wife na si Kathy. Sa Marikina ang unang branch ng nasabing resto ni Kian at noong 2016 ay binuksan naman ang branch nila sa Maginhawa St.
Ayon pa kay Kean, hindi typical na sisig na pulutan ang specialty nila sa Concho’s. “It’s not served on a sizzling plate, hindi siya iyong gawa sa maskara [pork face]. This is 100% pork belly, lean meat. “Kung mga Filipino, mahilig sa adobo at buong linggo itong kayang kainin nila, itong Con-cho’s Sisig ay parang gano’n din. Comfort food mo siya.”
Nasa planning stage na raw ang pangatlong branch nila ng Concho’s Sisig, proud pang kuwento ni Kean.
MARIAN RIVERA NAG-IISANG BRAND AMBASSADOR NG KULTURA
YES, after giving birth sa bunso nila ni Dingdong Dantes na si Jose Sixto Gracia Dantes o Ziggy na going three months old na this July, rumampa si Marian bilang brand ambassador kasama ng ilang male and female models ng Kultura sa Fashion Hall ng SM Megamall.
Paglabas ni Marian ay ang lakas ng palakpakan at tilian at pinagkaguluhan talaga siya sa ginawang mini fashion show at puno ng tao ang ground floor hanggang 5th floor. Maliban sa launch ng t-shirt collection ng magandang aktres ay bahagi rin ng pagrampa nito ang renewal ng kanyang contract sa Kultura, ibig sabihin ay very effective siya kaya na-renew.
Kasama sa panibagong contract signing ang manager ni Marian na si Sir Rams David at mga top executives ng Kultura. Ayon pa kay Sir Rams, dapat noon pa ito kaso buntis nga ang kanyang alaga at nagpapasalamat sila ni Marian at eversince ay naging very supportive sa kanila ang Kultura.
“Salamat sa Kultura for trusting me again,” sey pa ni YanYan after ng kanyang contract signing. Dapat lamang na i-open natin ang kaisipan ng mga tao sa gawang Pinoy, mga produktong Pinoy at proud sa mga gawang Pinoy.
“Katuwang po ako ng Kultura sa paggawa ng mga stylish na T-shirt at makikita ninyo dito ang mga bagay na gusto ko, like iyong design na jeepney, doon makikita ninyo na may flower, kasi mahilig ako sa flowers, mayroon ding design ng local culture natin.”
In fairness, dinarayo ng mga turistang foreigner ang nasabing store sa SM. Samantala, nakatakdang ilunsad sa SM Southmall Event Center ngayong July 2 at 3 pm ang Marian Rivera t-shirt collection na gawa ng Kultura.
Wala pang definite na sagot si Marian kung kailan siya babalik sa Sunday Pinasaya at hino-host na weekend show na Tadhana na parehong napa-panood sa GMA7.
THROWBACK SA EAT BULAGA KUWENTO SERYE
ANG ganda at sarap panoorin ang iba’t ibang throwback story ng inyong favorite EB hosts sa Kuwento Serye. Nagbabalik-alaala ang bawat host ng number one and longest-running noontime variety show kung paano sila napabilang dito.
Ayon pa kay Paolo Ballesteros, bata pa lang siya ay paborito na niya ang Eat Bulaga. Sa katunayan, nang mapadaan siya sa Xavierville ay tinandaan niya at sinulat ang address ng Tape Office na No.79 Xavierville Ave, Loyola Heights, Quezon City. Gustong-gusto raw kasi niyang sumali noon sa Eat Bulaga. Hanggang isang araw ay nasa studio na siya ng Eat Bulaga at nabigyan ng break na maging isa sa host ng pang-tanghaling programa and the rest is history. Ngayon, isa ng mahusay na actor-host si Paolo.
Abangan ang inyong EB Dabarkads sa Kuwento Serye na bahagi ng nalalapit na pagdiriwang ng Eat Bulaga sa kanilang 40 years sa Philippine local television.
Comments are closed.