SI Keanu Reeves. Iniwan at pinabayaan ng sariling ama sa edad na tatlong taong gulang, at lumaking tatlong beses nagpalit ng stepfather. Pumasok sa iskwelahan pero na-bully dahil dyslexic pala. Ang dyslexia na tinatawag ding world blindness ay isang uri ng learning disability na nakaapekto sa pagbabasa at pagsusulat. Sa dinami-rami ng tao, si Keanu pa ang tinamaan nito. Ngunit nagsikap siya at natuto rin naman kahit paano.
Nangarap siyang maging hockey player ngunit winasak ito ng isang matinding aksidente.
Nagkaasawa siya ngunit agad namatay ang kanyang anak pagkasilang, at ang kanyang asawa, namatay sa isang car accident.
Meron siyang best friend na itinuturing niyang kapatid, si River Phoenix, ngunit namatay rin sa overdose ng gamot. Mayroon siyang kapatid na babaeng mahal na mahal niya, ngunit namatay rin dahil saleukemia.
Pinili niyang mamuhay ng simple at nag-iisa. Walang bodyguards, walang mansyon, walang karangyaan sa buhay. Simple lamang ang kanyang tirahan, at naglalakad lamang patungo sa park at grocery stores, o kaya naman ay sumasakay sa subway sa New York City, kahit kayang kaya naman niyang bumili ng luxury cars at mag-hire ng personal driver.
Hindi siya masyadong palakibo — marahil, dahil sa mga naranasang bullying noong panahong nag-aaral pa siya, pero noong ginawa niya ang pelikulang “The Lake House,” hindi sinasadyang narinig niyang nag-uusap ang dalawang costume assistants. Umiiyak ang isa dahil mareremata ang bahay niya kung hindi siya makakabayad ng $20,000. Agad nagdeposito ng sapat na halaga si Keanu sa bank account ng costume assistant.
In his career, he has donated large sums to hospitals including $75 million of his earnings from “The Matrix” to charities.
Isa si Keanu sa mga Hollywood stars na may napakalaking naitulong sa charity. Noong 2010, birthday niya — isinilang siya noong September 4, 1964 year of the Wood Dragon, nagtungo si Keanu sa isang simpleng bakery, bumili ng tinapay (brioche), tinusukan ng isang kandila at matapos kantahan ang sarili ng happy birthday, ay kinain niya ito sa mismong bakery.
Lahat ng taong dumaan at bumati sa kanya ay pinaiinom niya ng kape. At iyon na ang kanyang birthday celebration.
Noong 1997, nakunan siya ng larawan na naglalakad kasama ang isang palaboy. Nakipagkwentuhan siya dito ng maraming oras.
Si Keanu … sa dami ng pait sa buhay na kanyang dinanas mula pa sa pagkabata, masasabing wasak na wasak ang kanyang puso. Ngunit sa halip na magalit sa mundo, inilaan niya ang sarili upang tumulong sa kapwa.
Napakarami niyang pera kung tutuusin. Kaya niyang bilhin ang kahit ano. Ngunit pinili niyang mabuhay ng simple at hanapin ang bagay na hindi kayang bilhin ng salapi — kapayapaan ng puso at kaluluwa.
Tulad ng karaniwang tao, isang araw, mamamatay rin si Keanu. Ngunit may maiiwan siyang bakas. Sa puso ng mga taong nakausap, nakatakamintam at natulungan niya, nakaukit ang pangalang Keanu Reeves sa kanilang mga puso.
RLVN