KEEMPEE DE LEON OPISYAL NANG KAPAMILYA

KEEMPEE DE LEON

OPISYAL nang isang Kapamilya ngayon si Keempee de Leon via new soap opera ng RSB Unit ni Ruehotshotsl Bayani, ang “Nang Ngumiti Ang Langit” na trailer pa lang sa TV ay marami na ang nagandahan at inaabangang panoorin. Dahil dito ay lalo nang lumabo ang pagkakataon ng dating matinee idol na makabalik muli sa Eat Bulaga ng GMA 7.

Hindi naman ikinakaila ni Keempee kapag nakakausap ng press na talagang nalungkot siya nang sabihan na hindi muna siya makalalabas sa Eat Bulaga.

Isang taon din siyang umasa na darating ang araw ay tatawagan siya para mu­ling makabalik sa longest-running noontime show sa GMA 7.  Pero sadly, wala siyang natanggap na tawag kaya nagdesisyon na siyang maghanap ng ibang istasyon.

Ipinost ni Keempee sa social media na sobrang nami-miss na niya ang showbiz at agad namang napukaw ang atensyon ni Eric John Salut at tinawagan si Keempee para tanungin kung totoo na puwede na nga siyang magtrabaho sa ibang network.

Si Eric John Salut ang promotions manager ng  Dreamscape Entertainment Television and Dreamscape Digital na nagpo-produce ng longest serye na “Ang Probinsiyano” ni Coco Martin at The General`s Daughter ni Angel Locsin.

Si EJ (Eric John) din ang nagsilbing daan para magkaroon ng posibleng comeback recording project si Keempee at lumabas na rin ang dating matinee idol sa  It`s Showtime, ang katapat ng Eat Bulaga. Hindi raw sinasara ni Keempee na maging semi-regular siya ng noontime show ng ABS CBN para maging hurado sa Tawag ng Tanghalan.

Hindi naman itinatanggi ni Keempee na sumama talaga ang loob niya sa pagkakatanggal niya sa EB nang wala raw malinaw na dahilan na sinasabi sa kanya.

Kailangan din niyang magtrabaho dahil matagal-tagal na rin siyang nabakante kaya laking pasalamat niya na tinanggap siya ng Kapamilya Network.

ANNE CURTIS NAPAIYAK SA RECEPTION NG CROWD SA CANADA

NAG-VIRAL ang pag-iyak ni Anne Curtis sa kanyang concert sa Centennial Concert  Hall in Winnipeg, Canada kamakailan. Hindi na napigilan ng TV host/actress ang mapaiyak dahil sa overwhelming na pagtanggap sa kanya ng audience.

KInakanta ni Anne ang kantang “Stay” ni Lisa Loeb nang buksan ng audience ang kanilang cellphones para gamiting ilaw at sa-bay-sabay silang nag-wave habang sinasabayan siyang kumanta.

Sa tuwa at kasiyahan ay hindi na napigilan ni Anne ang mapaiyak kaya hindi na nito natapos ang pagkanta sa sobrang sayang nadama that moment.

Pinost niya ito sa kanyang Instagram ang video na nakakuha ng higit sa 345,000 views at 41,000 likes.

“THANK  YOU for this kind of love Madlang Winnipeg. Won`t  forget this AND the standing ovation! Wait lang hanap ako video! Love you so much!”

Samantala, si Anne pa rin ang tangging actress na kahit may asawa na ay pinapantasya pa rin ng sangkatutak na kalalakihan. Ang lakas-lakas raw kasi ng charisma ni Anne na lalong gumanda at sumeksi magmula nang mag-asawa.

o0o

TAWAG-pansin: Tigilan na sana ng mga kandidato ng tinatawag na Otso Diretso na naalarma na raw ang kanilang kalaban sa darating na election at lumalakas at dumarami na raw ang kanilang supporters. Huwag nang mag-ilusyon kasi na maging senador ng bansa. Taas ng ambisyon na mga ilusyunado, akala ay may maga-gawang mabuti sa bansa. Ang hangarin lang naman ay maging sikat at yumaman kaya nangangarap maging Senador ng bansa.

Sana, tumakbo munang barangay chairman or konsehal muna bago mangarap maging senador. Napaka-ambisyoso, na akala mo ay may magagawang mabuti sa bansa. Wala naman!

Tumulong na lang kayo para maiahon na ma­ging drug free ang bansa at hindi yung makapal ang mukha ng manira.