NAGBALIK si Kempee de Leon sa ABS-CBN after 16 years. Kabilang si Kempee sa pinakabagong teleseryeng “Nang Ngumiti ang Langit” sa Kapamilya network na magsisimula na sa Lunes, March 25 bago mag-It’s Showtime.
Hoping si Kempee na magge-guest din siya sa iba pang drama programs sa Kapamilya network gaya ng “Ipaglaban Mo.” Bagaman, sinabi naman daw sa kanya na marami pa siyang gagawin sa ABS-CBN. Kaya na-happy naman daw siya.
Pero ‘di pa man siya napapanood sa ‘Nang Ngumiti ang Langit’ ay lakas na agad ng impact niya sa audience when he appeared sa ‘Kapare-Who’ segment ng It’s Showtime last Monday.
Hindi lang ang audience ang nagulat sa pag-reveal ni Kempee sa sarili when he was picked ng lady contestant on that segment. Maging ang mga host ng “It’s Showtime” ay ‘di makapaniwala na umapir siya sa show.
Knows naman kasi ng lahat na ang daddy niya ay ang main host ng katapat ng “It’s Showtime,” ang “Eat Bulaga,” na si Joey de Leon.
Tinanong namin si Kimpoy kung nagkausap ba sila ng host ng It’s Showtime’ na si Vice Ganda sa backstage.
“Oo, wala lang. Nakakatuwa naman. Sinisilip-silip niya ako. Tapos sabi niya, ‘Alam mo nakakatuwa na nandito ka.’ Ako nga talaga, hindi rin makapaniwala na nandito ako, e. Hahaha. Si Jugs, si Teddy, nag-online pa kami after, e. ‘Grabee, ikaw pala ‘yun! Nandito ka?’ Tapos niyugyug nila ako. Sabi ko, ‘Oo, nandito ako.’ Nakakatawa lang. Nakakatuwa ‘yung reaksiyon nila.”
Posible kaya na umapir din siya sa “FPJ’s Ang Probinsyano” ni Coco Martin?
“Supposedly, oo. Hindi ko inayawan. Nalaman ni Tita Dagang, ‘yung PM, na may bago ako’ng show. So, mahihirapan‘yung schedule. Sabi ko, ‘Sana, puwede naman ako’ng, puwede ko naming lagariin.’ E, sabi niya, alanganin sa schedule mo.”
MWF daw ang schedule ng taping ng ‘Probinsyano’ while TTHS naman sila sa ’Nang Ngumiti ang Langit.’
“Sabi ko, puwede ko naman lagariin ‘yan, e. Mahihirapan daw kasi minsan, may everyday yata sila. So, sabi nila, next character na lang kasi mayroon pa naman. Baka may Book 2.” Gustung-gusto raw niyang makatrabaho si Coco.
Open din si Kempee na umapir sa mga indie film. Ang alam niya may inalok sa kanya noon pero hindi raw niya alam kung ano ang nangyari.
Gusto rin makatrabaho ni Kempee ang mga artistang nakasama niya sa action movies produced ng Viva Films noon.
“Oo, nakakatuwa kasi nu’ng lumipat ako rito, nandyan si Raymart (Santiago). Nand’yan si Joko (Diaz). Kaya sabi ko nga kay Joko, nakita ko siya sa ‘Ang Probinsyano,’ sabi ko, ‘Jok, sana magkaroon tayo nina Raymart ulit ‘no?’ Si Kier (Legaspi), ‘di ba?”
Anyway, ang role ni Kempee sa “Nang Ngumit ang Langit” ay si Benjie na driver ni Pilar Pilapil at mister ni Matet de Leon.
Comments are closed.