KELOT ARESTADO SA DROGA

MARIJUANA

VALENZUELA CITY – SA kulungan ang bagsak ng isang 19-anyos na lalaki matapos makuhanan ng iligal na droga kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni Valenzuela Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) head P/Capt. Segundino Bulan Jr. ang naarestong suspek na si Jonathan Gutual ng 32 Doneza St. Balubaran.

Sa isinumeting report ni SDEU investigators PCpl. Christopher Quiao kay Valenzuela Police Chief P/Col. Carlito Gaces, ala-1:40 ng madaling araw nang maaresto ang suspek ng mga tauhan ng PCP-4 sa pangunguna ni PLT Richie Garcia, kasama si PCpl. Ricardo Santos Jr. at PCpl. Edwin Grafil na nagpapatrulya sa Doneza St.

Nang kapkapan, nakumpiska sa suspek ang tatlong plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu, isang plastic sachet ng pinatuyong dahon ng marijuana, glass pipe na may bahid ng marijuana, disposable lighter, pouch, maliit na kahon, bike at P500 bill.

Sasampahan ng pulisya ang suspek ng kasong paglabag sa RA 9165 sa piskalya ng Valenzuela City. EVELYN GARCIA