KELOT KRITIKAL SA SAKSAK NG 17-ANYOS NA ESTUDYANTE

saksakan

CALOOCAN CITY –NASA kritikal na kalagayan ang isang 38-anyos na lalaki matapos pagsasaksakin ng isang 17-anyos na estudyante sa lungsod na ito.

Inoobserbahan sa Manila Central University (MCU) hospital sanhi ng dalawang saksak sa likod ang biktimang si alyas Johnry Mationg, ng Brgy. 143, Bagong Barrio.

Pinaghahanap ng mga pulis upang maaresto ang 17-anyos na suspek na residente rin sa lugar.

Alas-10:40 ng gabi, nakatayo ang biktima sa labas ng kanyang bahay nang mula sa likuran ay sumulpot ang suspek na armado ng patalim at dalawang beses na tinarakan sa likod si Johnny. VICK TANES

3 thoughts on “KELOT KRITIKAL SA SAKSAK NG 17-ANYOS NA ESTUDYANTE”

Comments are closed.