KELOT NA MAY BITBIT NA BALA NASABAT SA BUS STATION

Bryan Tanay

QUEZON CITY – ARESTADO ng  mga tauhan ng ­Quezon City Police Station ang isang lalaki nang mahulihan ito ng bala mula sa isang bus station sa lungsod.

Ayon sa ulat, ­inaresto ang suspek bandang alas-7:30 ng umaga kahapon habang nagsasagawa ng  inspeksiyon sa counter ng ­Araneta Center Bus Terminal sa Time Square St., Brgy. Socor-o, Cubao.

Kinilala naman ni Chief Supt. Joyeth Esquivel Jr. ang naarestong si Bryan Bagazala y Tanay, 35, binata, college graduate sa kursong education, tubong Santiago, Bato, Camarines Sur, at kasalukuyang  residente ng  Sampaloc, Tanay, Rizal.

Haharap sa kasong paglabag sa Illegal Possession of Live Ammunations R.A. 10591 (Comprehensive Law on Firearms and Ammunitions) ang nahuling suspek.

Samantala, kasa­lukuyan nang nakapiit ang suspek sa Cubao Police Station. PAULA ANTOLIN

2 thoughts on “KELOT NA MAY BITBIT NA BALA NASABAT SA BUS STATION”

  1. 177462 543797Discovering the correct Immigration Solicitor […]below you will locate the link to some sites that we feel you ought to visit[…] 238147

Comments are closed.