QUEZON CITY – ARESTADO ng mga tauhan ng Quezon City Police District sa ilalim ni Chief Supt. Joselito Esquivel Jr. ang lalaking nagtangkang magpuslit ng armas sa LRT Line 2 sa Cubao Station kahapon.
Kinilala ang naaresto na si Roland Ribot, 49-anyos, ng Brgy. San. Roque.
Dumaan ang suspek sa frisking area papasok sa nasabing transport utility alas-2:51 ng hapon, nang mapansin ng sekyu na si Roberto Hanggot y Castigador na naka-assign sa naturang estasyon.
Nakapa ni Hanggot ang matigas na bagay na nasa kaliwang bulsa nito at nang tignan ay napag-alamang isa palang kalibre .25 browning pistol na naglalaman ng siyam na bala.
Dito na ipinagbigay alam ng guwardya ang nakitang armas at agadnamang itinurn-over sa mga pulisya mula sa Cubao Police Station at arestuhin ang suspek, haharap sa kasong paglabag sa RA 10591 o illegal possession of firearms.
Kasalukuyan na ngayong nakapiit ang suspek sa estasyon ng pulisya habang haharapin naman ang kasong isinampa laban sa kanya. PAULA ANTOLIN
Comments are closed.