KELOT NIRATRAT SA TINDAHAN NG SPARE PARTS

pinagbabaril

QUEZON CITY – PINAGBABARIL hanggang mamatay ang isang lalaki sa loob ng tindahan ng spare parts ng motorsiklo sa Barangay Pasong Tamo noong Miyerkoles ng gabi.

Nakilala ang nasawi na si Raymart Bucad, 21-anyos.

Ayon sa mga kasamahan ng biktima sa tindahan, huminto sa tapat ng tindahan ang dalawang magkaangkas sa motorsiklo na naka-helmet. Bumaba ang isa na sakay ng motor, nilapitan si Bucad at pinagbabaril na nito ang biktima.

Nagtamo ng tama ng bala sa ulo ang biktima na ikinamatay nito habang isang lalaking nakatambay naman sa tindahan ang nadaplisan ng bala. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

One thought on “KELOT NIRATRAT SA TINDAHAN NG SPARE PARTS”

Comments are closed.