MAYNILA – ISANG labi ng lalaki ang lumutang sa Ilog Pasig na sakop ng Sta. Mesa.
Inilarawan ang biktima na nasa edad na 45 hanggang 50, nakasuot ng itim na short, brown T-shirt, gray sweatshirt, may itim na face mask at may sukbit na bag pack.
Sa ulat ng MPD-Homicide Section, napansin umano ng dumaraang de motor na tugboat na San Jose Uno ang biktima sa Ilog Pasig malapit sa Padre Jacinto Zamora Interlink Bridge sakop ng Barangay 630, Sta. Mesa, Manila.
Agad namang ipinagbigay alam ang insidente sa malapit na coast guard station upang maiahon ang bangkay. PAUL ROLDAN
Comments are closed.