CAGAYAN DE ORO CITY – INAALAM pa ng awtoridad ang pagkakakilanlan ng isang lalaki na sinilaban ang sarili sa kalye ng lungsod na ito
Nagulat ang mga nakasaksi nang makita nila ang pagsunog sa sarili ng lalaki sa gilid ng Rotonda, Barangay Macasandig noong Sabado ng hapon
Binuhusan ng biktima ng gas ang buong katawan at sinindihan ng dala nitong lighter kaya nagliliyab hanggang bawian ito ng buhay.
Sinabi naman ni Police Senior Master Sgt. Joel Tare ng Macasandig Police Station na inaalam pa nila ang identity ng biktima at taga-saan ito nakatira sa lungsod.
Sakali namang may maghanap ay nasa punerarya sa lungsod ang labi ng lalaki. VERLIN RUIZ
Comments are closed.