KELOT TIKLO SA P3.4M SHABU

TINATAYANG nasa P3.4 milyon halaga ng shabu ang nasamsam ng mga awtoridad sa isang delivery driver matapos maaresto sa isinagawang buy bust operation sa Caloocan City kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang nadakip na suspek na si Arturo Del Cruz Jr., 38-anyos, tubong GMA Cavite at residente ng #177 Gov. Pascual st., Sipac, Navotas City.

Sa inisyal na report, dakong ala-1:30 ng hapon nang magsagawa ang pinagsanib na mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Nueva Ecija Provincial Office, PDEA Bataan Provincial Office, PDEA RO-III RSET sa pangunguna ni AI 5 Christopher Macairap, Bagong Bario Sub-Station 5 sa pangunguna ni Lt. Julius Villafuerte at Maj Deo Cabildo, SDEU, Caloocan police sa ilalim ng pangangasiwa ni Col. Samuel Mina Jr, ng buy bust operation sa harap ng isang Fast-Food store sa kanto ng Loreto St., Brgy 84, Caloocan City.

Isang undercover ang nagawang makipagtransaksyon sa suspek at nang tanggapin nito ang marked money mula sa poseur-buyer kapalit ng droga ay agad siyang inaresto ng mga operatiba.

Nakumpiska sa suspek ang humigit-kumulang sa 500 gramo ng shabu na may standard drug price P3.4 milyon at buy-bust money na isang tunay na P1,000 bill na may kasamang boodle money.

Kaugnay nito, pinuri ni NCRPO Chief MGen Vicente Danao Jr., ang matagumpay na joint drug buy-bust operation ng PDEA at Caloocan City Police na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek at pagkakakumpiska ng naturang illegal na droga. EVELYN GARCIA

5 thoughts on “KELOT TIKLO SA P3.4M SHABU”

Comments are closed.