KELOT UTAS SA TUKLAW NG COBRA

CATANDUANES – ISANG lalaki ang bigong naisalba mula sa pagkatuklaw ng cobra sa masukal na bahagi ng bundok sakop ng bayan ng Panganiban sa lalawigang ito.

Ayon sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, naihayag pa ng biktima na natuklaw siya bandang alas-11 ng umaga nitong Pebrero 2.

Subalit dahil nasa bundok, ala-1 ng hapon na siya nakababa at bagaman mayroong anti-venom injection sa Panganiban hindi na siya naisalba dahil sa kumalat na ang kamandag sa kanyang katawan.

Nagluluksa na ang kaanak ng mga biktima dahil sa sinapit nitong unti-unting namatay dahil sa kamandag. EUNICE CELARIO