KEN CHAN AT RITA DANIELA AT KAPUSO STARS NAKI-#SUMMER SQUAD GOALS

RITA-KEN

NGAYONG Linggo (May 19), sasama sa tri-city tour sa Bicol—Albay, Camarines Sur, at Sorsogon, ang nakakakilig na tambalang Ken Chan at Rita Da­niela o #BoBrey sa isang kakaibang summer adventure kasama ang kanilang bagong travel buddies sa “Summer Squad Goals”.

Lilibutin nila kasama ang mga joiner sa loob ng apat na araw by land travel– may social worker, balikbayan, call center agent, engineer, at chef sa mga joiner na nakasama nina Ken at Rita sa mahabang road trip na ito.

Sa Camsur Watersports Complex, game na game nilang susubukan ang wakeboarding. Sa Albay, hindi puwedeng palampasin ang world-famous Mt. Mayon na picture perfect background nila habang sakay ng ATV.

Sa Sorsogon, susubukan nila ang kayaking sa Bulusan Lake at swimming sa napakagandang Subic Beach na tinatawag ding Pink Beach dahil sa nadurog na red corals na humalo sa buhangin.

Break naman muna sa taping ang Chinito heartthrob na si David Licauco para maki-join sa biyahe at i-explore ang picture perfect na Jomalig Island sa Quezon.

Makikilala niya sa biyaheng ito ang lovers na sina Cy at Diane. Two years na silang magkarelasyon at hilig din nila ang mag-travel nang magkasama. Pero ang hindi alam ni Diane, may plano pala si Cy na mag-propose sa kanya. Siyempre, kasabwat si David para matupad ang kilig surprise. Will it be a yes?

Hindi rin nagpaiwan ang bagong Kapusong si Kiray Celis na game na nakipag-bonding sa single ladies na sina Ysa, Yel, at Alex. Halos dekada na raw magkakaibigan ang tatlo at first time nilang mag-travel na magkakasama. Kasama rin ang mother-daughter tandem na si Nonet at ang kanyang 68-year-old mommy na si Anggie. Ito raw ang Mother’s Day gift niya sa kanyang nanay. Si Chad naman ang travel vlogger ng grupo. Pang-apat na raw niya itong travel this year at expert na siya sa mga tipid travel goals.

Halos 10 oras na biyahe by land and sea para makarating sa Burias Island. Pero mapapa-wow ka naman sa ganda kapag nakita mo na ito. Isa sa mga sikat na destinations dito ay ang Animasola Island o tinatawag din na mermaid’s lair dahil sa kakaibang rock formations dito.

Huwag palampasin ang masayang bonding sa Summer Squad Goals, ngayong Linggo 3:30pm sa GMA 7.

One thought on “KEN CHAN AT RITA DANIELA AT KAPUSO STARS NAKI-#SUMMER SQUAD GOALS”

Comments are closed.