KEN CHAN KUSANG NAG-SELF QUARANTINE 

MARAMI sa ating mga artista ngayon ang hindi rin nakaligtas sa COVID 19, sa katunayan may pumanaw pa nga. Ang isa sa showbiz couplewallface na nadale rin ng virus ay ang mag-asawang Sylvia Sanchez at Art Atayde at kasalukuyan ay nasa self-quarantine

Kaya nang makarating sa kaalaman ni Ken Chan ang nangyari sa mag-asawa ay hindi maiwasan na kabahan ang young actor. Eh, kasi nga bago pa man magpahayag si Sylvia ay nagkaroon ng pagkakataon na magsama ang dalawa.

Ani pa ni Ken ay nakakaramdam na raw siya ng ilang sintomas ng sakit tulad ng pag-ubo.

Dagdag na say pa ni Ken bagama’t may dry cough siya at nakakaramdam ng pagkapagod ay hindi naman daw niyang naranasan na lagnatin.

At para makasigurado ay minabuti na ni Ken na mag-self quarantine. Hindi siya lumalabas ng kanyang tahanan at nagkulong sa sariling kuwarto.

Sa kabila naman ng kinalalagyan sa ngayon ay nagawa pa ring kumustahin ni Ken si Sylvia at ang pamilya nito. Say ni Ken, nakausap niya ang isa sa mga anak ng aktres at nasabi nito na wala naman daw sa kanilang magkakapatid ang nahawaan ng virus. Sa kondisyon naman ng mag-asawa, ani ni Ken ay patuloy pa rin daw na nagpapagaling sina Sylvia at Art.

 

SANYA LOPEZ PENITENSIYA ANG PAGGANAP SA ROLE NI MARIA MAGDALENA

PARANG panata na rin yata sa Kapuso sexy young actress na si Sanya Lopez na magkaroon ng mga shows sa Kapuso Network kada Mahal naSANYA LOPEZ Araw. Tulad ng mga seryeng may kinalalaman sa pagdurusa ni Hesukristo para tubusin ang kasalanan ng sanlibutan.

Kaya nga wish granted kay Sanya nang mapasama siya sa Lenten Special ng GMA Network na “Jesus: His Life.” Si Sanya ang magbibigay-boses sa karakter ni Maria Magdalena.

At parang nagpenitensiya na rin ang byuti ni Sanya nang i-dub niya si Maria Magdalena. Hindi raw akalain ni Sanya na double effort pala ang kanyang gagawin. Ani Sanya, hindi raw pala ganun kadali ang maging dubber. Kinakailangan din daw na umaarte siya habang nagbibigay-boses sa karakter na ginagampanan.

Feeling daw ni Sanya ay isa uli siyang baguhan sa pag-aartista. Nang tanungin naman kung ano ang mas mahirap, dubbing o pag-arte,  pinili ni Sanya ang dubbing.

“Mas mahirap ‘tong dubbing kaya ang taas po ng respeto ko sa mga dubber,” saad niya.

Comments are closed.