Ken Chan, may 5 nang gasolinahan

NOEL ASINAS BLOG

KEN CHANLubos ang pasasalamat ng Kapuso actor na si Ken Chan sa blessings na kanyang natanggap ngayong 2020. Bukod sa kabi-kabilang proyekto, natupad ni Ken ang kanyang childhood dream na magkaroon ng sariling gasoline station. Bonus pa na hindi lang isa kundi limang gasoline stations ang naipatayo niya sa loob lamang ng tatlong buwan.

“Nasa isip ko siya noong bata pa lang ako. Sobrang blessed talaga ko ngayong 2021 and pati na rin 2020. Despite ng mga nangyari sa atin na pandemya, still, nagawa ko pa rin po na tuparin ‘yung pangarap ko na magkaroon ng gasoline station,” kwento ni Ken.

Samantala, mas magiging abala ang aktor sa 2021 sa pagsisimula ng taping ng pagbibidahan niyang upcoming GMA drama series na ‘Ang Dalawang Ikaw’ kung saan gaganap siya bilang isang lalaking may kalagayang tinatawag na dissociative identity disorder (DID).

PEPITO PROBLEMA ANG POLO SHIRT

May business opening na pupuntahan si Pepito Manaloto (Michael V.).Kailangan niya ng bagong polo shirt para sa event. Importanteng mag-attend si Pepito dahil client at friend ang may-ari ng business.

Problema niya ang bagong polo shirt. Makabili kaya ang asawang si Elsa (Manilyn Reynes) ng shirt dahil busy rin sa kanyang cup cake business.
Samantala, si Patrick (John Feir) ay bibili ng bagong tire para sa kotse ni Pepito. Kaya lang mapupuntahan niya ang pipitsugin tindahan. May maton sa tindahan na masama tingin sa kanya. Bumili kaya rito si Patrick?

5 thoughts on “Ken Chan, may 5 nang gasolinahan”

Leave a Reply

Your email address will not be published.