KEN CHAN NAAPEKTUHAN SA PAGDAMI NG BOYET MEMES AT VIDEOS

KEN CHAN

KEN Chan is a little bit upset with people who are doing videos in connection with sizzling bitshis Boyet character in the top-rating Kapuso series “My Special Tatay.”

Ginagawa kasing laughing stock sa social media ang Mild Autism Spectrum Disorder ni Boyet.

“In the first place, nakatutuwa, masaya sa pakiramdam na naa-appreciate ka ng mga tao. Ang dami, e!” enthused Ken when interviewed on the set of My Special Tatay that was held in Tenement, Taguig. “Halos every day, sabog ‘yung social media ko dahil kaka-tag sa akin ng memes.

“Pero at the same time, mas malaki ‘yung nakaka… hindi ko alam kung tama ‘yung word na disappoint… nakadi-disappoint. Pero hindi, e, mas parang… nakababahala para sa mga taong may kundisyon ni Boyet. Kasi, baka maapakan namin sila.

“E, walang control ang GMA, ang social media roon.

“Mga tao na mismo ‘to, wala na kaming control doon, so nakababahala po.”

Baka raw maapektuhan in a negative way ‘yung mga taong may kundisyong tulad ni Bo­yet, especially raw ‘yung mga magulang.

Suffice to say, malaki raw ang nagagawa ng “My Special Tatay” para mag-create ng awareness sa Mild Autism Spectrum Disorder.

May lumapit nga raw sa kanyang isang nanay sa Robinson’s Magnolia at nagpapasalamat. Nabuksan daw ang isipan ng ibang televiewers at na-realize nilang hindi limitado ang kapasidad at pag-iisip ng taong may Mild Autism Spectrum Disorder. Na puwede rin silang maging responsableng tatay at puwedeng magmahal.

Dati nga raw, akala ng nakararami na bawal silang mag-asawa, magkatrabaho, bawal kung anuman ‘yung ginagawa ng isang normal na tao.

“Naniniwala po ako,” Ken intoned, “na naging instrumento po ‘yung My Special Tatay mismo sa mga tao para maging aware sila.

“Kasi, parang marami pang hindi aware, e. Ma­rami pang hindi nakaaalam kung ano… kahit nga po ako, hindi ko alam dati kung ano ang ibig sabihin ng mild autism… ng mild, mayroon palang mild, may moderate, may severe.

“Na may ganoon pala, so talagang nag-research kami nina Sir Jojo (Aleta, executive producer ng My Special Tatay), pumupunta kami sa ganitong school, kumakausap kami ng may autism para malaman namin kung ano.

“Kasi, kahit kami, hindi kami rati aware.”

And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity. Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!

2 thoughts on “KEN CHAN NAAPEKTUHAN SA PAGDAMI NG BOYET MEMES AT VIDEOS”

Comments are closed.