KEN CHAN NAHULOG ANG LOOB KAY RITA DANIELA

SA pagtatapos ng “My Special Tatay” teleserye nina Ken Chan at Rita Daniella ay naging simula naman wallfaceng isang matatag na friendship sa pagitan ng dalawa. Destiny na ngang maituturing ni Ken Chan na makilala ang isang taong magiging friends niya forever, as in bff.

Ani pa ni Ken, parang girl version niya raw si Rita. Maging si Rita ay hindi niya rin ina­akala na magiging close friend niya si Ken. Ani ng singer/actress na nakitaan daw niya ng pagkakapareho sa nais marating sa buhay si Ken, ang kagustuhan na maabot ang pangarap. Bago pa man tanggapin ni Rita noon na lumabas na kontrabida sa “My Special Tatay” ay binalak na niyang umalis ng showbiz at manirahan na lang ng pribadong buhay. Pero binigyan pa raw ni Rita ng chance ang sarili sa kanyang acting karir nang ialok nga sa kanya ang role ni Aubrey.

Si Arra San Agustin ang original na kalabtim dapat ni Ken pero nang masangkot sa buhay ni Ken ang karakter ni Aubrey ay nagbago ang ihip ng hangin, mas kinilig at mas may chemistry ang loveteam ng dalawa. Kung kaya hanggang sa huling episode ng “My Special Tatay” ay sina Rita at Ken na ang naging magka-loveteam.

Pero hindi lang sa teleserye ang labtim ng dalawa, may concert pa silang gagawin kung saan ay sesentro ang kilig ng concert sa tambalan ng karakter nina Ken at Rita sa MST, sina Boboy at Aubrey.

Tsikang sa ngayon ay may plano raw ang GMA7 na muling pagsamahin ang dalawa sa isang proyekto.

BARBIE FORTEZA ‘DI NAGSASAWA NA KASAMA ANG BF, LAGING KINIKILIG

barbie fortezaSABI nga ng iba pag halos araw-araw kasama ang syota ay nawawala ang kilig at napapalitan na ng sawa factor. Pero iba ang dating nito para kay Barbie, tila mas inspired ang young actress at mas ganado sa trabaho dahil kasama niya ang real boypren niyang si Jak Roberto sa “Kara Mia”.

Dati kasi ay magkahiwalay sila sa isang teleserye kaya kung mag-bonding daw silang dalawa ni Jak ay tuwing weekends lang at minsan ay wala pa. Ngayon daw ay madalas na ang kilig kay Barbie, palagi niyang kasabayan kumain ang kanyang boypren pag break ng kanilang taping at mas lalo pang kilig ang hatid kay Barbie ‘pag nag-eensayo siya ng batuhan ng kanilang mga linya.

Isa pa rin sa factor na hindi raw uso sa kanilang dalawa ang sawa factor pag laging magkasama ay ang pagkakapareho nila ng hilig at gustong gawin sa buhay. Kung kaya madalas lagi silang magkasama na manood ng sine na pareho nilang hilig at maging sa gimi-kan man ay join pa rin ang dalawa kasa-kasama ang kanya-kanyang circle of friends.

Comments are closed.