NAKOPO ni US female tennis player Sofia Kenin ang Women’s Tennis Association (WTA) Player of the Year award.
Inanunsiyo ng WTA sa website nito ang pagkakapili sa 22-anyos na player bilang 2020 Player of the Year.
Si Kenin ay nagwagi sa 2020 Australian Open sa women’s singles, ang kanyang maiden Grand Slam title.
Naglaro rin siya sa finals ng French Open sa Roland Garros sa Paris ngayong taon.
Si Kenin ay No. 4 seed ngayon sa WTA Singles Rankings.
Siya ang ika-8 American na nagwagi ng WTA Player of the Year award matapos nina Serena Williams, Martina Navratilova, Lindsay Davenport, Tracy Austin, Chris Evert, Venus Williams at Jennifer Capriati.
Iginawad naman kay Iga Swiatek, naging unang Polish player na nanalo ng Grand Slam singles title nang talunin niya si Kenin sa French Open fi-nal, ang WTA’s Most Improved Player of the Year award.
Samantala, si dating world number one Victoria Azarenka ang itinanghal na WTA Comeback Player of the Year makaraang kunin niya ang kanyang unang titulo sa loob ng apat na taon sa Western & Southern Open at umabante sa kanyang ika-5 career Grand Slam final sa U.S. Open. Nabawi rin ng Belarusian ang kanyang puwesto sa WTA Top 20.
Sina Kristina Mladenovic ng France at Timea Babos ng Hungary naman ang itinanghal na WTA doubles duo of the year makaraang makopo ang Australian Open at Roland Garros titles.
Comments are closed.