KERWIN ESPINOSA HANDANG IATRAS ANG KANDIDATURA

INIHAYAG nitong Biyernes ng hinihinalang drug lord Kerwin Espinosa sa kanyang testimonya sa House Quad Committee ukol sa extrajudicial killings (EJKs) ng nagdaang drug war ng admi­nistrasyong Duterte na ang pagdawit sa pangalan ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa ay walang bahid pulitika sa kabila ng kanyang paghain ng certificate of candidacy (COC) sa pagka-mayor ng Albuera, Leyte.

“Ang gusto lang po namin ay hustisya sa pagkapatay ng aking ama,” ani Espinosa.

Sa pagpatuloy ng public hearing ng House Quad Committee, ibinunyag ni Espinosa na pinilit umano siya ni Dela Rosa na noon ay Philippine National Police (PNP) chief na pa­ngalanan si Senador Leila de Lima na protector ng ilegal na kalakaran ng droga.

Napaslang ang ama ni Espinosa na si Albuera Mayor Rolando Espinosa sa loob ng kulungan nang magdala ng search warrant ang pulisya noong 2016.

Idinagdag ni Espinosa na handa siyang umurong sa kandidatura upang pagtuunan ng pansin ang paghahanap ng hustisya sa kanyang ama.

“Hindi mo kami masisisi kung mag-iisip kami na may halong pulitika ang ginagawa mo. But if you withdraw, baka ako mismo maniwala sa sinasabi mo,” ani Fernandez.

Ito rin ang agam-agam ni Zambales 1st District Rep. Jay Khonghun.

“Bakit niyo po naisipan na ngayon lumabas at magsabi ng katotohanan lalo na ngayong panahon ng eleksyon? Baka isipin na ginagawa niyo ito para sa election campaign o media mileage,” tanong ni Khonghun.

JUNEX DORONIO