NAGWAGI ang NLEX Road Warriors laban sa Blackwater Elite sa tune up game noong Miyerkoles, 105- 101. Pinangunahan ni Kiefer Ravena ang team, katuwang si Epoy Eram. Sana hanggang sa magsimula ang All-Filipino Cup ay maging maganda ang kalagayan ng kampo ni coach Yeng Guiao.
Balik-laro na rin si Kevin Alas sa Road Warriors matapos na madale ito noong isang taon ng ACL. Kumpletos rekados na ang NLEX, ano pa kaya ang hahanapin ng management?
Balik-Ateneo Blue Eagles si Dave Ildefonso. Nais niyang ipagpatuloy ang paglalaro sa Blue Eagles. Naiwan ni Dave ang kanyang kuya Shaun sa National University. At very proud parents sina Danny at wife Ren na nakasama sa pool ang anak na si Dave. Maghihintay ng one year si Dave bago maka-paglaro sa UAAP sa Ateneo. Good luck, Dave.
Ipinakilala na ang kauna-unahang Juego Todo champion sa isang naging kapana-panabik na sagupaan sa Sta. Ana, Cagayan noong nakalipas na buwan.
Subalit ito pa lamang ang simula ng kanyang pakikipagsapalaran para sa mas malalaking Juego Todo competitions na aasahan ngayong taon, ayon kay Underground Battle Mixed Martial Arts (UGBMMA) founder Ferdie Munsayac.
“Ang Juego Todo ay isang weaponize cage fighting na unang ipinakilala natin dito sa bansa noong 2014 kung saan ay nagpakita ng angking kakayahan ang ibang Filipino fighters sa larangan ng pakikipagbakbakan,” pahayag ni Munsayac sa 53rd ‘Usapang Sports’ ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) sa National Press Club sa Intramuros kahapon ng umaga.
“We did it in Sta Ana, Cagayan and produced our first champion in Genil Francisco last Dec. 20. But we don’t want to stop from there,” dugtong pa ni Munsayac, na umaasang lalo pang makahihikayat ng mas maraming fighters mula sa ibang bahagi ng bansa.
Sinabi pa ni Munsayac na ang mga Pinoy ay may angking galing para magpakitang-gilas sa Juego Todo.
“Ang sport na ito ay hybrid ng mga Filipino martial arts simula pa noong panahon ng ating mga ninuno. Juego Todo is like bringing in the modern-day Filipino gladiators, or the arnisadors as we know them, and putting them in the modern-day arena, which is called octagon in the MMA,” ani Munsayac, na isang retired United States Navy chief petty officer na mas kilala sa tawag na “Papa Goat” sa local at international MMA community.
“This year, we will stage Juego Todo competitions in Metro Manila and we are inviting interested fighters to join in our qualifying tournament scheduled in April,” anunsiyo pa ni Munsayac sa lingguhang session na itinataguyod ng Philippine Sports Commission, National Press Club, PAGCOR at Community Basketball Association.
Comments are closed.