KEVIN DURANT SA BIG DOME

KEVIN DURANT

INAASAHANG da­dagsa ang basketball fans sa Smart Ara­neta Coliseum, ang sports and entertainment mecca ng Filipinas, sa pagbabalik ni back-to-back NBA Finals MVP Kevin Durant sa bansa, kung saan tampok sa kanyang pagbisita ang ‘Hyper Court Team’ All-Star Challenge dito sa Linggo, Hulyo 8, sa alas-4 ng hapon.

Ito ang ikalawang pagkakataon na bibisita si Durant sa bansa at sa Big Dome, pitong taon makaraang samahan sina fellow All-Stars Kobe Bryant, James Harden, Chris Paul at Derrick Rose sa isang exhibition game laban sa Gilas Pilipinas.

Sa pagkakataong ito ay pangungunahan ni Durant ang isang training session sa mga pi­ling basketball player, at ibabahagi ang ilan sa kanyang workouts at training drills sa Hyper Court Team All-Star Challenge.

Dagsa ang fans  na nagpatala para sa libreng tickets sa event sa Big Dome sa  Nike website.

Itinuturing na isa sa pinakamahusay na basketball players sa mundo, sinimulan ni Durant ang kanyang matagumpay na pro-ball career began sa noo’y Seattle Supersonics noong 2007.  Nauna niyang binuo ang talented young trio nila nina Harden at Russell Westbrook sa Oklahoma City Thunder, kung saan itinanghal siyang Rookie of the Year noong 2008, at nakopo ang Season MVP award noong 2014.

Noong 2016 ay sinamahan niya sina Stephen Curry at Klay Thompson sa Golden State Warriors at nagwagi ng dalawang sunod na titulo, ang pina-kahuli ay noon lamang nakaraang buwan, sa pamamagitan ng pagwalis sa Cleveland Cavaliers na pinamumunuan noon ni LeBron James.

Si Durant ang pinakahuling NBA superstar na magbabalik sa makasaysayang Smart Araneta Coliseum.

Idinaos ng madalas bumisita sa bansa na si Bryant ang kanyang dinagsang Mamba Mentality Tour sa Big Dome noong 2016,  na nagtapos sa pamamagitan ng madamda­ming tribute, kung saan isang banner na alay sa star player ang iniladlad sa red-and-white banner na may nakasulat na “Thrilla In Manila”, ang  world’s most popular boxing match sa kasaysayan ng sport kung saan nakilala ang Coliseum.

Sina NBA stars Kawhi Leonard at Damian Lillard at legends Shaquille O’Neal, Dominique Wilkins, Gary Payton, Glen Rice, Robert Horry at Vlade Divac ay nakapaglaro o nakapagdaos na rin ng events sa Smart Araneta Coliseum.

Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.smartaranetacoliseum o sundan ang @thearanetacoliseum sa Facebook at Instagram at ang @TheBigDome sa Twitter.

Comments are closed.