ALINSUNOD sa kautusan ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. mula sa rekomendasyon ni Finance Secretary Benjamin Diokno ay binalasa ang key officials sa Bureau of Internal Revenue (BIR).
Sa gitna ng seryosong nationwide tax campaign kaugnay ng nalalapit na deadline sa filing ng annual income tax returns sa Abril ay nag-isyu ng Revenue Travel Assigment Order (RTAO) si Commissioner Romeo Lumagui, Jr.
Unang tinamaan ang mga tiwali, abusado at bagsak ang koleksiyon sa buwis sa nasabing balasahan at itinalaga sa bagong puwesto ang mga tapat sa kanilang serbisyo gaya ng mga sumusunod na kabilang sa top tax collection performers bilang bagong Revenue District Officers (RDOs):
Linda Grace Sagun sa Pasig City; Deogracia Villar, Jr., Taguig City; Renato Mina, North-Quezon City; Abdullah Bandrang, Chie Regular Audit Division III; Gerardo Utanes, Intramuros-Ermita-Malate; Celestino Viernes, Sta Maria, Bulacan; Merlyn Vicente, Baguio City; Mercedez Estslillia; Monib Dimalomping, General Santos City.
Bethsheba Bautista, South-Quezon City; Elmer Carolino, west Makati; Teresita Lumayag, Malabon City; Carolina Takata, Binondo Manila; Arnel Cosinas, Paranaque City; Arnulfo Galapia, San Juan City; Renato Ruiz, Tondo-Sanicolas, Manila; Trinidad Villamil, Quiapo-Sampaloc-San Miguel, Manila; Aminoding Macarampat, Mandaue City; Gina Basilio Resultay, Bayombong, Nueva Vizcaya; Ester Rhoda Formoso, Pasay City; Alma Celeste Cayabyab – Marikina City; Lorenzo Delos Santos – Cubao, Quezon City; Gerlo Cacatian – Subic Bay Metrooilitan Authority.
Antonio Mangubat, Jr. – Novaliches, Quezon City; Grace Evelyn Lacerna – Cainta-Taytay City; Timm Renomeron – Dumaguete City; Dante Tan – Chief LT Division, Cebu City; Estrella Manalo – Valdnzuela City; Stimson Cureg – Lipa City; Reymund Ranchez – Plaridel, Bulacan; Clea Marie Pimentel – Trece Martirez.
Cherry Ibaok – Pagadian City; Fritz Buendia – Caloocan City; Alexander Onte – South Pampanga; at Ryan CalvinMorga – QC North.
Sinabi ni Commissioner Lumagui na layunin ng isinagawang major revamp na mapaigting ang pangongolekta ng buwis upang makuha ang tax collection goal na mahigit sa P2.7 trilyon ngayong taon.
Una nang binalasa ni Commissioner Lumagui ang hanay ng BIR regional directors sa buong kapuluan matapos itong iluklok sa puwesto ni PBBM kapalit ni dating Commissioner Lilia Guiller.
Matapos balasahin ang mga regional director ay itinalaga naman ng BIR Chief si former Makati City Regional Director Jethro Sabariaga bilang bagong Assistant Commissioner for Large Taxpayers Service (LTS) kapalit ni newly-Deputy Commissioner for Operations Maridur Del Rosario .
Kasunod nitong ninombrahan bilang bagong regional directors sina Albin Galanza at Edgar Tolentino sa East NCR at South NCR, ayon sa pgkakasunod.
Nanawagan si Commisdioner Lumagui sa taxpaying public na tumupad sa kanilang tax obligations sa darating na Abril at huwag nang hintayin pa ang itinakdang deadline.
Nagbabala rin ang BIR chief na ipagpapatuloy nila ang pagsasampa ng tax evations sa sinumang individual at corporate taxpayer na mandaraya at ‘di tutupad sa taunang pagbabayad ng buwis.
(Para sa komento, mag-email sa [email protected].)