KEY POLICY RATES PINANATILI NG BSP

PINANATILI ng Monetary Board (MB) ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang policy rates sa 16-year-highs sa ika-4 na sunod na pagpupulong, habang tinaasan ang inflation forecast nito para sa taon. 

Sa isang briefing, sinabi ni BSP Governor Eli Remolona Jr. na pinanatili ng MB ang target reverse repurchase (RRP) rate sa 6.5%, ang overnight deposit rate sa 6.0%, at ang overnight lending facility rate sa 7.0%.

Kasabay nito ay itinaas ng MB ang inflation outlook nito sa 4.0% mula sa dating pagtaya na 3.9%, nahulog sa upper band ng 2.0% hanggang 4.0% target range ng pamahalaan. Ang projection para sa 2025 ay hindi nagbago sa 3.5%.

“The risks to the inflation outlook continue to lean toward the upside. Possible further price pressures are linked mainly to higher transport charges, elevated food prices, higher electricity rates, and global oil prices,” sabi ni Remolona.

“Potential minimum wage adjustments could also give rise to second-round effects,” dagdag pa niya.

Ang inflation ay naitala sa 3.7% noong  Marso, mas mabilis sa 3.4% noong Pebrero. Pumalo naman ang rice inflation sa 15-year high 24.4% sa naturang buwan.

“Given these conditions, the Monetary Board deems it appropriate to maintain the BSP’s tight monetary policy settings. The BSP also continues to support the National Government’s policies and programs to address supply-side pressures on the prices of key food commodities,” aniya.

Sinabi pa ni Remolona na nananatiling handa ang central bank na i-adjust ang policy settings kung kinakailangan, alinsunod sa pangunahing mandato nito na panatilihin ang price stability.

Itinaas ng BSP ang key policy rates ng 450 basis points magmula noong May 2022, sa layuning mapahupa ang  inflation na may average na 6.0% noong 2023, mas mataas sa  target range na 2.0% hanggang 4.0%.