KICKBOXING, BEACH VOLLEY TAMPOK SA PSA FORUM

Kickboxing and Beach Volleyball

DALAWANG sports na nakatakdang gumawa ng ingay sa 30th Southeast Asian Games ang magiging special guests sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum ngayon sa Amelie Hotel-Manila.

Tatalakayin ng kickboxing at beach volleyball ang kani-kanilang kampanya sa biennial meet, mahigit dalawang linggo magmula ngayon, sa session na itinataguyod ng San Miguel Beer, Braska Restaurant, Amelie Hotel, at ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).          Ang Samahang Kickboxing Pilipinas ay kakatawanin sa 10:00 a.m. session nina secretary-general Atty. Wharton Chan, coaches Donnie Geisler at Glenn Mondol, kasama sina athletes Karol Maguide, Ruel Catalan, at Rex De Lara.

Samantala, ang beach volleyball team ay pangungunahan nina Sisi Rondina at Bernadeth Pons.

Ang mga PSA member ay hinihikayat na dumalo sa session na naka-livestream via PSA Facebook page fb.com/PhilippineSportswritersAssociation at mapakikinggan sa delayed basis sa Radyo Pilipinas 2, 1-2 p.m. at 6:30 p.m.

Comments are closed.