NORTH COTABATO – NAPASOK na rin ng African Swine Fever (ASF) ang Kidapawan City matapos na maapektuhan ang 200 baboy na pinatay at inilibing mula sa 3 purok sa Barangay Linangkob, Kidapawan City simula nitong linggo.
Ayon kay Dr. Eugene Gornez, City Veterinarian, lumilitaw na nagpositibo sa ASF ang 200 baboy matapos ang blood sampling.
Malaki ang paniniwala ni Gornez na ang mga baboy ay naipuslit mula sa bayan ng Magpet na apektado ng ASF.
Sa pinakahuling datus ng Department of Agriculture na iniulat ni Regional Director Arlan Mangelen, aabot sa 1,000 baboy na ang pinatay mula sa mga bayan ng Magpet, Arakan, President Roxas sa North Cotabato at ang pinakahuli ay sa Kidapawan City.
Agad namang ipinatupad ang culling activity sa mga baboy na malapit sa ASF infected area kung saan umaabot na sa P6 milyon ang lugi sa hog industry sa nasabing lalawigan. MHAR BASCO
Comments are closed.