(Ni BANNIE ALMOITE)
ANG JESUS LOVES THE LITTLE CHILDREN LEARNING CENTER Kinder 2 class sa kauna-unahang pagkakataon ay nagsagawa ng KIDPRENEUR FAIR sa loob ng komunidad sa Greenbrier Village Brgy. Guinayang, San Mateo Rizal. Ang layunin ng gawain na ito ay ang lalo pang mapaunlad ang kaalaman ng mga bata mula sa aklat tungo sa totoong karanasan o ang practical application ng kanilang mga natututunan sa larangan ng pagtuturo ng ‘Kidpreneurship’ (Pagturo ng Negosyo sa mga Bata).
Ilan sa paghahandang ginawa ng mga mag-aaral, upang maging matagumpay ang gawain na ito ay pag-iipon at pag-iisip ng epektibong paraan ng pagbebenta o ‘marketing strategy’. Ilan sa mga napagpasiyahan ng mga bata sa tulong ng kanilang mga magulang ay ang pagkolekta ng iba’t íbang kalakal, na nagsimula pa noong Agosto 2018 hanggang Enero 2019. Ang mga kalakal na naipon ay ibinenta ng mga mag-aaral. May kabuuang Php300.00 ang kanilang kinita na nagsilbing inisyal na puhunan sa planong pagkakaroon ng ‘KIDPRENEUR Fair’. Lalong naging masaya ang pa-ghahanda sa Kidpreneur Fair dahil sa pakikiisa ng mga magulang. Sila ay nagbahagi ng mga lumang damit, laruan at iba’t ibang bagay na maaaring maibenta ng mga bata. May kakaibang pakikilahok din ang mga magulang na mayroong kasalukuyang negosyo. Pormal na nasaksihan ng mga mag-aaral ng JLLC ang pagsuporta ng kanilang mga magulang, sa paghahanda na ginagawa nila para sa nalalapit na ‘Kidpreneur Fair’.
Dahil sa pagkakaisa ng mga mag-aaral at ng kanilang mga magulang, napagpasiyahan na gawing bahagi rin ng gawain ang buong komunidad na nasasakupan ng paaralan. Ang mga mag-aaral ay naghanda ng fliers at masayang ibinahagi ito ng mga bata sa komunidad sa tulong ng mga guro ng paaralan . Nagkaroon ng interes ang mga tao sa komunidad dahil sa sigla at determinasyon ng mga bata na umikot sa komunidad at personal na ibinigay ang fliers na kanilang inihanda.
Ginamit din ng JLLC ang FACEBOOK upang higit na mapalawig ang pagpo-promote sa loob at labas ng JLLC compound. Gumawa rin ang mga mag-aaral ng kanya-kanyang slogan, na lalong nagbigay ng kulay sa gaganaping gawain.
At sa wakas, Pebrero 23, 2019, ganap na alas-8 ng umaga, naganap na nga ang pinakahihintay ng lahat, sa pangunguna ng JLLC Learning Cen-ter. Ang mga JLLC KINDER 2 class ay nagbihis ng iba’t ibang kasuotan ng ‘COMMUNITY HELPERS’ para sa isang layunin na maipakilala at mabigyan ng pagpapahalaga ang iba’t ibang LINGKOD ng PAMAYANAN. Sila ay naghihikayat ng mga mamimili sa pamamagitan ng pag-awit at pagsasayaw, pagbebenta at pagsusukli sa mga bumibili, at paglilingkod sa mga senior citizen.
Kakaibang karanasan ang naramdaman ng mga bata at pati na rin ang kanilang mga magulang habang kanilang isinasagawa ang mga KIDPRE-NEURSHIP Fair.
Sobrang kaligayahan ang idinulot ng fair sa mga bata. At naging makabuluhan ang lahat ng bahagi ng programa. Ang buong JLLC Learning Center na binubuo ng mga mag-aaral, mga magulang at mga tao sa komunidad ay personal na nasaksihan ang kapurihan na naibigay sa Diyos dahil sa matagumpay na gawain.
Bukod sa maraming natutunan ng mga mag-aaral sa larangan ng Kidpreneur, natutunan din nila ang kahalagahan ng pagbibigay at pagtulong sa mga organisasyon na nasa larangan ng pagtulong sa mga batang mahihirap. Sa pagsang-ayon ng mga magulang ay nagdesisyon ang JLLC K2 class na ilagay ang lahat ng kanilang kinita sa isang alkansya na mapupunta sa Mission Ministries Philippines Inc. (http://MissionMinistriesPhilippines.org) – isang Christian Organization na tumutulong na magtayo ng eskuwelahn para sa mahihirap na bata na kung saan ang JLLC Learning Center ay isa sa kanilang natulungan.
A generous person will prosper; whoever refreshes others will be refreshed. Proverbs 11:25
……. for God loves a cheerful giver, 2 Corinthians 9:7.
Comments are closed.