CALABARZON – Ilulunsad ng Department of Health (DOH) ang malawakang immunization drive o Chikiting Bakunation Days sa Calabarzon region sa darating na Abril 28 hanggang 29.
Hinikayat naman ng Department of Health ang mga magulang na pabakunahan ang kanilang anak na wala pang dalawang taon gulang sa isasagawang immunization drive kung saan kabilang ang rehiyon ng Calabarzon na makikiisa sa Chikiting Bakunation Days.
Isa sa layunin ng immunization drive ay mabigyan ng routine at catch-up immunization ang mga sanggol para proteksyon laban sa iba’t ibang uri ng sakit na karamihan ay nanalasa sa kids.
Kabilang sa mga bakuna sa mga sanggol na bago sumapit ng isang taon gulang ay ang BCG at Hepatitis B, Pentavalent, Oral Polio, Inactivated Polio, Pneumococcal Conjugate, Measles, Mumps at Rubella Vaccine.
Inatasan naman ang mga magulang na lalahok sa Chikiting Bakunation Days na makipag-ugnayan sa pinakamalapit na health center upang mapabilang ang kanilang anak sa nasabing programa.
Pinaalalahanan din ng Department of Health (DOH) ang mga magulang na dalhin ang vaccine record o baby book ng kanikang anak para matukoy ang uri ng bakuna na kakailangin sa pagbabakuna.
MHAR BASCO