KAPAG naghahanda tayo ng pagkain para sa ating pamilya o mahal sa buhay, lalong-lalo na sa mga tisikiting, iniisip natin ang mga gusto at paborito nilang putahe. Lagi’t laging ang ikinatutuwa nila ang ating iniisip. Kaligayahan nga naman ang hatid sa ating kabuuan kapag napansin o nakita nating masaya ang ating pamilya o anak.
pagkain ang maaari nating ihanda sa birthday party ng mga tsikiting. At sa mga Mommy na nag-iisip diyan kung ano ang masarap at madaling ihan-da, narito ang ilang tips na maaari ninyong subukan:
MARSHMALLOW POPS
Bukod nga naman sa fruit skewers o fruit stand, isa pang magandang ihanda na nakalagay sa stick ang marshmallow pops. Kayraming kulay at design ng marshmallow na magugustuhan ng mga bata. Matamis din ito at cute o magandang tingnan. Pantawag-pansin din ito sa mga tsikiting.
Para rin magkaroon ito ng lasa, mainam kung idi-dip sa melted chocolate. Puwede rin itong budburan ng sprinkles na may iba’t ibang kulay.
FRUIT SKEWERS O FRUIT STANDS
Isa sa katakam-takam at maganda sa paningin ang prutas lalo na kapag hiniwa-hiwa ito at pinagsama-sama sa isang lalagyan. Healthy rin ito kaya’t swak na swak itong ihanda kung may party ang iyong anak.
Simpleng-simple lang ang paggawa nito. Kakailanganin mo lang ng iba’t ibang klaseng prutas na may iba’t iba ring kulay. Hiwain ang mga ito sa nais na laki saka ilagay sa stick. Ilan sa mga prutas at gulay na puwede mong subukan ay ang grapes, apples, kiwi at watermelon. Makukulay ang nasabing prutas kaya’t sa hitsura pa lang, katatakaman na ito sa paningin ng mga tsikiting.
STRAWBERRY MILKSHAKE
Hindi rin siyempre puwedeng mawala ang inumin sa isang party. Bukod sa juice na kinahihiligan ng mga bata, isa rin sa masarap ihanda ay ang strawberry milkshake. Healthy rin ito kaya hindi ka mag-aalala sa kalusugan ng iyong anak. Maganda rin kung may design ang lalagyan nito para magkaroon ng dating o ganda.
MINI CUPCAKES
Hindi rin siyempre puwedeng mawala ang mga matatamis na pagkain. Hilig na hilig nga naman ng mga bata ang mga matatamis gaya ng cupcakes at cakes. At para rin mabantayan ang dami ng kakainin ng mga bata, mainam kung mini cupcakes ang gagawin. Maganda rin kung may iba’t ibang kulay at design ito para mas matuwa ang mga tsikiting.
POPCORN
Hindi rin puwedeng mawala ang popcorn sa ating listahan ng mga party food na magugustuhan ng mga bata. Marami nga namang nabibilhan ng popcorn. Pero para magkaroon ito ng kakaiba at malinamnam sa lasa, puwede itong budburan ng white chocolate at sprinkles. Sa ganitong paraan ay magkakakulay ang simpleng popcorn at magle-level up ang sarap nito.
Panigurado ring lahat ng mga bisitang bata sa party ninyo ay hindi papayag na ‘di ito matikman.
COOKIES
Kapag may party sa bahay, pinakasimpleng pagkain o dessert ang palagi nating iniisip. Ngunit sabihin mang simple ito, importante pa rin na katakam-takam ang lasa at matutuwa ang mga makatitikim.
At kung may isa mang napakadali lang ihanda, iyan ang cookies. At para maging creative o tawag-pansin sa mata ng bata ang iyong gagawing cookies, maganda kung may iba’t ibang design ito. Imbes na simpleng bilog, bakit hindi mo subukang gumawa ng mga nakatutuwa o magandang hugis na magugsutuhan ng iyong anak. Gaya na lamang ng hugis ng sapatos, o kaya naman bag. Hindi naman kailangang simple o nakasanayang hugis ng cookies ang gagawin natin, puwedeng-puwede tayong maging creative. Puwede ring maging inspirasyon sa paggawa ang mga paboritong bagay o gamit ng ating anak.
Pinaghahandaan ng bawat magulang ang mga mahahalagang araw o birthday ng kani-kanilang mga anak. Napakaraming paraan para makapaghanda ng mga pagkaing simple pero panalong-panalo sa hitsura at sarap. Kaya naman, maging creative na Mommy. Sa pagiging creative mo, hindi lang labi ng anak mo ang ngingiti kundi maging ang lahat ng inyong bisita. CT SARIGUMBA
Comments are closed.