KIEFER BALIK-ENSAYO SA NLEX , GILAS

Kiefer Ravena

HINDI na makapaghintay si Kiefer Ravena na makabalik sa pag-eensayo sa NLEX Road Warriors .

“I’ve been doing my job staying in tip-top shape, doing a lot of extra work by myself on and off the court,” wika ni Ravena, ang second overall pick ng 2017 PBA Rookie Draft.

Sa ilalim ng FIBA regulations, si Ravena ay maaari nang makasama sa team practices simula Hunyo 24, 2019, o dalawang buwan bago matapos ang kanyang suspensiyon.

Gayunman, ang Road Warriors ay manggaga­ling sa out-of-town PBA game at ang Hunyo 24 ay araw ng kanilang pahinga. Dahil dito, si Ravena ay inaasahang makapag-eensayo sa Gilas Pilipinas sa Hunyo 24 o ngayong araw bago sumali sa NLEX sa Hunyo  25.

Inamin ni Ravena  na naging mahirap para sa kanya ang hindi paglalaro ng basketball, subalit binigyang-diin niya na hindi ito dahilan para tumigil sa pagpapraktis.

“It’s about being mentally tough, rising above the occasion,” aniya.

Sa panahon ng kanyang suspensiyon, si Ravena ay naging abala sa paghahatid ng kamulatan at paglahok sa anti-doping education programs.

Nagpahayag din ng pasasalamat si Ravena sa NLEX management sa patuloy na pagsuporta sa kanya sa kabila ng kanyang mga pinagdaanan.

Si Ravena ay maaari nang makapaglaro sa NLEX simula sa Agosto 24, 2019, at sinabi niyang hindi na siya makapaghintay. and he said he is raring to go.

“All I wanna do is get back to the court, play with NLEX, play with my team,” aniya.

Comments are closed.