SA KABILA ng COVID-19 pandemic na nararanasan ng bansa ay hindi napigilan si Kiefer Ravena ng NLEX Road Warriors na mag-bukas ng negosyo na Chooks to Go.
Nasa loob ng PBA bubble si Ravena kaya ang nag-asikaso sa opening ng kanyang negosyo ay ang kanyang GF, si volleyball star player Alyssa Valdez, kasama ang mommy ni Kiefer na si Mozzy at kapatid na si Dani Ravena. Naging matagumpay naman ang pagbubukas ng kanyang Chooks to Go na sa labas lang ng Village nina Ravena ang puwesto. Dati nang may manukan si Kiefer at noong panahon na mahigpit pa ay rolling store naman ito at along village din sila nagtitinda.
Speaking of NLEX Road Warriors, medyo inaalat pa ang team wala, pang nakukuhang panalo sa dalawang sunod na laro. Unang nakalasap ng talo ang Road Warriors sa kamay ng Barangay Ginebra, then tinalo sila ng Magnolia Hotshots. Kailangang makabawi na ang mga player ni coach Yeng Guiao. Hindi kasi maganda ang kanilang simula.
o0o
Pinakahihintay naman ng mag-asawang Ping at Elga Jugar Eximiniano ang grand opening ng kanilang Beauty Lounge Clinic bukas sa Pasig. Excited na si Mrs. Eximiano sa pagbubukas ng kanilang beauty clinic. Umaasa silang mag-asawa na kahit pandemic ay magiging successful ang pinasok nilang negosyo. Alam naman natin na kahit naghihirap ang mga Pinoy, basta pagpapaganda ay hindi mapigilan, hindi lamang ang mga kababaihan pati na ang mga lalaki ay hindi rin nagpapapagil na maging flawless.
Anyway,good luck kina Kiefer at Ping sa kanilang mga negosyo.
o0o
Malamang ay hindi maiwasan ng mga player na hindi mag-high five at magbanggaan ng katawan kapag maganda ang ginawa sa court ng magkakampi. Matinding health and safety protocols umano ang paiiralin sa Chooks to Go Pilipinas 3X3 sa loob ng bubble na gagawin sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna.
Nagsimula nang magsipasukan ang mga player na lalahok sa naturang tournament.
Magbubukas ang tournament sa October 21. Tatlong legs ang gagawin kada araw na matatapos sa October 30.
Habang hindi naglalaro ang mga player ay dapat nakasuot ng face mask at face shield. Siyempre ay may physical distancing sa mga staff at personnel ng Chooks to Go. Kapag nakarating na ang mga player sa campus ay muli silang iku-quarantine ng dalawang araw n bago bigyan sila ng go signal na puwede nang mag-practice.
Comments are closed.