MAY bagong kontrata si Kiefer Ravena sa NLEX Road Warriors. Pero nagkakainteres itong maglaro sa Japan B. League kung saan naroon ang nakababatang kapatid na si Thirdy.
Gustong ma-experience ni Kiefer na makapaglaro sa International league at maging isang import tulad ng kapatid.
How true na nagpapaalam nga ba ito sa NLEX management para maglaro sa Japan? Hindi kaya dahilan lang ni Kiefer na umalis ng bansa dahil pilit siyang kinukuha ng TNT Tropang Giga sa Road Warriors at ayaw siyang bitiwan ni coach Yeng Guiao?
Minsan nang nalagasan ng player si cosch Yeng, sa katauhan ni Poy Eram na hinubog niyang mabuti hanggang sa mahinog. Nakinabang ang Tropang Giga. Wala namang magagawa si cosch Guiao sakaling ipilit ng TNT na makuha ang kalibre ni Kiefer para palakasin muli ang koponan lalo na’t si Ray Parks Jr. ay ayaw nang maglaro sa kampo ni coach Chot Reyes
Inihayag ni PSC oversight Commissioner for Women in Sports Celia Kiram na patuloy ang pagsulong ng ahensiya sa pagkilala sa kahala-gahan ng mga kababaihan sa iba’t ibang larangan, higit sa palakasan sa pamamagitan ng paglulunsad ng mga leadership at gender equality webinars at weekly web series na Rise Up and Shape Up.
“In our effort to follow the program based on the Magna Carta on Women, we try to initiate ways to promote gender sensitive and gender equality programs among our staff and employees in the PSC, national coaches ang athletes and other stakeholders. It is part of our policies in making body in terms of sports, which we turn it to the Philippine Commission on Women, which is primarily the policy-making body on empowering women,” wika ni Kiram, Huwebes ng umaga sa TOPS: Uspang Sports na napanood nang live sa Sports on Air webcast.
Inilahad din ni Kiram ang pagpapatuloy ng taunang Women’s Martial Arts Tournament sa darating na Oktubre na itatampok ang iba’t ibang martial arts gaya ng Karate, Taekwondo, Pencak Silat at Muay para sa mga kababaihan sa pamamagitan ng virtual competitions.
“I-continue namin ang Women’s Martial Arts kasi ang mga NSA (national sports associations) ay wala talagang makitang sumasali masyado sa mga kumpetisyon. Ipinagpatuloy lang naming ‘yung dating program ni Comm. Akiko Thompson na napakagandang prorama na mahikayat ang mga kababaihan sa martial arts competition para kung ‘di man magpatuloy ang pagiging atleta ay para sa kanilang self-defense,” sabi ni Kiram sa programang suportado ng PSC, Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), at Games and Amusement Board (GAB).
.“This will be the best way upang dalhin na sa makabagong pamamaraan sa pamamagitan ng digital platform ang lahat ng programa, particular na sa mga pangkababaihan ,” wika ni Kiram, na ipinagmalaki ang tagumpay ng kababaihan sa mga nagdaang kumpetisyon, kabilang ang Asian Games at Olympics, kung saan pawang mga kababaihan ang namuno at nagwagi ng matataas na parangal sa kani-kanilang larangan.
699027 958364Normally I try and get my mix of Vitamin E from pills. Even though Id genuinely like to through a great meal plan it can be rather hard to at times. 579121
838177 858537some genuinely choice content material on this internet website , saved to my bookmarks . 303950