PANGARAP ni Antonella Berthe Racasa na makuha ang record bilang pinakabatang woman grandmaster.
Hawak ni WGM Hou Yifan ng China ang record bilang pinakabatang grandmaster sa 14 years, six months at two days.
“Ang target ko po ay malagpasan ‘yung world record ni WGM Hou Yifan ng China. ‘Yan po talaga ang pangarap ko,” pahayag ni Racasa sa 38th edition ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) sa National Press Club sa Intramuros.
Ang 12-anyos na si Racasa ay kadarating lang mula sa matagumpay na kampanya sa World Cadets Chess Championships sa Shandong, China, kung saan nagtapos siya sa ika-14 na puwesto.
“Magagaling din po ang mga kalaban ko sa World Cadets, lalo na ang mga Russian, na very intimidating po talaga,” dagdag ni Racasa sa linguhang sports forum na suportado ng Philippine Sports Commission, National Press Club, PAGCOR, Community Basketball Association at HG Guyabano Tea Leaf Drinks.
“Pero ginawa ko po talaga ang aking makakaya para makapagbigay ng karangalan sa ating bansa,” sabi ni Racasa, na nagsimulang maglaro ng chess noong 2016.
Si Racasa ay sinamahan sa forum ng kanyang amang si Roberto Racasa at ni coach Efren Bagamasbad.
Samantala, nanawagan ng tulong ang matandang Racasa sa pamahalaan at pribadong sektor upang itaguyod ang kampanya ng kanyang anak.
“Masigasig talaga si Antonella na makamit ang kanyang mga pangarap. Si Wesley So ay 12 years old nang maging FIDE Master. Si Antonella ay 11-years-old naman. Sana masuportahan din natin siya,” aniya.
Magandang buena mano ang UAAP Season 82 men’s basketball tournament na ginawa sa Araneta Coliseum. Humataw agad ang UP Maroons na tinalo ang FEU Tamaraws. Nagpakitang-gilas sina Ricci Rivero at Kobey Paras na siyang inaasahan ng UP community. Inilampaso naman ng UST Growling Tigers ang UE Warriors, habang dinispatsa ng Ateneo Blue Eagles ni coach Tab Baldwin ang Adamson University.
Hindi napigilang mapaiyak ni Kiefer Ravena nang matalo ang Gilas Pilipinas sa Angola sa overtime noong Miyerkoles.
May pagkakataon sana si Ravena na ihatid ang laro sa ikalawang overtime, subalit tumama ang kanyang 3-pointer sa bakal sa pagtunog ng buzzer.
Siyempre ay masakit sa dating Ateneo player na matalo ang kanyang koponan. Gustong-gusto kasi nilang manalo subalit sa overtime ay hindi na nakisama ang suwerte sa Gilas Pilipinas.
Comments are closed.