KIEFER PINAYAGAN NA NG PBA NA MAGLARO SA JAPAN

Kiefer Ravena

PINAYAGAN na ng PBA Board si NLEX Road Warriors star Kiefer Ravena na maglaro para sa Shiga Lakestars sa Japan B.League.

“The NLEX Road Warriors is happy to announce that an agreement has been reached with the PBA to allow Kiefer to play in Japan B.League for one season. This agreement was reached following discussions with the PBA Board, Commissioner Willie Marcial, NLEX Road Warriors management and Kiefer’s camp,” wika ni NLEX team manager Ronald Dulatre.

Sa ilalim ng kasunduan ay maglalaro si Ravena ng isang season lamang sa Japan at agad babalik sa NLEX.

Magpapatuloy rin ang paglalaro ni Ravena para sa NLEX sa idinadaos na 2021 PBA Philippine Cup.

Sinabi ni PBA Commissioner Willie Marcial na nangako sa kanya si Ravena na babalik sa PBA matapos ang one-year stint sa Japan. Kung hindi ay pagmumultahin, aniya, si Ravena.

“Babalik ako. Gusto ko lang ma-experience ang international league,” sabi ni Ravena kay Marcial.

6 thoughts on “KIEFER PINAYAGAN NA NG PBA NA MAGLARO SA JAPAN”

Comments are closed.