GUMAWA si Kiefer Ravena ng ilang key plays sa huling bahagi ng laro nang makaulit ang kanyang Shiga Lakestars laban sa Ibaraki Robots, 85-77, upang walisin ang kanilang homestand sa Ukaruchan Arena sa Division 1 ng Japan Professional Basketball League (B.League).
Naging mabagal ang simula ni Ravena ngunit umiskor ng 6 points at nagbigay ng 4 assists sa dikdikang fourth quarter upang tulungan ang Shiga na maitakas ang panalo.
Tumapos ang Filipino import na may 11 points at 7 assists para sa Lakestars na umangat sa 3-1 para sa season, habang nanatiling walang panalo ang Robots sa apat na laro.
Nanguna si Tomomasa Ozawa para sa Shiga na may 17 points, habang nagdagdag sina imports Novar Gadson at Sean O’mara ng 16 at 15, ayon sa pagkakasunod.
Tinalo ng Shiga ang Ibaraki, 93-88, sa una sa back-to-back matchups noong Sabado.
Sumalang si Ravena sa laro na may averages na 14.7 points at 6.3 assists, bukod pa sa 41.7% clip mula sa three-point range sa tatlong laro para sa Lakestars.
Samantala, nakaganti si Thirdy Ravena at ang kanyang San-en NeoPhoenix squad kay Kobe Paras at sa Niigata Albirex BB, 85-82, sa Division 1.
Nalusutan ng San-en ang paghahabol ng Niigata sa pangunguna nina Yuhito Nomi at Rosco Allen sa huling bahagi ng fourth period. Abante sa 77-71, may 1:25 ang nalalabi, umiskor sina Nomi at Tsihilidzi Nepaue ng 4 points upang tapyasin ang kanilang deficit sa 2 points, may 42 segundo ang nalalabi.
Isinalpak ni Keishi Matsuwaki ang isang tres upang palobohin ang kalamangan papasok sa final moments ng laro, bago kumana si Allen ng isa pang tres upang makadikit ang Niigata sa 82-80, may 12 segundo ang nalalabi.
Sinelyuhan ng free throws nina Robert Carter at Morihisa Yamauchi ang panalo ng San-en.
Naging krusyal si Ravena sa panalo ng San-en makaraang kumamada ng 13 points at 9 rebounds.
Nagtala si Carter ng 22 points, habang nagdagdag sina Justin Knox at Elias Harris ng tig-11 points para sa NeoPhoenix.
Nalimitahan si Paras sa 11 points makaraang gumawa ng 21 sa kanilang unang paghaharap. Tumipa si Allen ng 24 points at nag-ambag si Jeff Ayres ng 14 markers para sa Niigata.
Ang dallawang koponan ay mayroon na ngayong 2-2 kartada.
683619 533481so a lot great data on here, : D. 1764
624619 85862I needs to spend a while learning much more or working out more. Thanks for wonderful information I was in search of this info for my mission. 429863
107511 477586many thanks for telling!. Truth is typically the top vindication against slander. by Abraham Lincoln.. 188322
490097 772566Some truly wondrous work on behalf with the owner of this internet site, perfectly fantastic topic material . 500800
It’s really great. Thank you for providing a quality article. There is something you might be interested in. Do you know bitcoincasino ? If you have more questions, please come to my site and check it out!
273391 916357Hey! Im at work surfing around your blog from my new apple iphone! Just wanted to say I enjoy reading by way of your blog and look forward to all your posts! Keep up the outstanding work! 919063
246291 948481You made various good points there. I did a search on the topic and located a lot of people will have the same opinion with your weblog. 715578