KIEFER TULOY NA TULOY NA SA JAPAN B.LEAGUE

Kiefer Ravena

WALA nang makapipigil kay Kiefer Ravena na maglaro sa Japan B.League.

Nakakuha na si Ravena ng clearance mula sa kanyang koponang NLEX Road Warriors at sa Philippine Basketball Association (PBA) para sa kanyang pinakaaabangang overseas stint, ayon kina league commissioner Willie Marcial at Road Warriors team manager Ronald Dulatre.

“NLEX clearance was forwarded to PBA. But note that he will be back after one season,” ani Dulatre.

Ang dating Ateneo Blue Eagle ay inaasahang sasalang sa kanyang debut sa Shiga Lakestars sa October 2 at 3  kontra San-En Neo Phoenix, kung saan naglalaro ang kanyang nakababatang kapatid na si Thirdy.

Si Ravena ay nauna nang pinayagan ng PBA Board para sa kanyang Japan stint noong nakaraang July 24. Napagkasunduan nila na maglalaro siya ng isang season lamang sa Japan at agad na babalik sa NLEX.

Humingi na rin ng paumanhin ang NLEX ace player sa PBA Board para sa “commotion at distraction” na idinulot ng balitang pagpirma niya sa Lakestars noong nakaraang June 2.

4 thoughts on “KIEFER TULOY NA TULOY NA SA JAPAN B.LEAGUE”

  1. 732762 21322This web web site is often a walk-through for all of the information you wanted concerning this and didnt know who ought to. Glimpse here, and you will totally discover it. 127240

Leave a Reply

Your email address will not be published.