KIKAY MIKAY MAGANDA ANG PASOK NG 2019

TIPONG maganda naman ang pasok ng 2019 para sa  dalawang cutest bagets duo na sina Kikay Mikayshowbiz salamin na belong sa Viva Artist Manage-ment ni Boss Vic del Rosario and Boss Veronique del Rosario.

Sa kakatapos lang ng grand Ball party of Smac television silang dalawa ang napili ng Faces of the Night in pernes. True naman talaga na cute and beautiful ang dalawang bagets na ito, at bongga ang kanilang gown sponsor by Dhanels fashion boutique by Ms. Elsie.

Sila rin ang  Kids hosts  ng Bee Happy Go Lucky na mapanonood tuwing linggo sa Net 25 from 9 to 10 pm.

Bukod diyan ay sila  rin ang new ambassador of Hand Sanitizer CN Ha­limuyak Pilipinas na pag mamay-ari ni Ma’am Nilda Tuason na ang manag-er naman ay si Bert Palomares.

Sa January 13. 2019 naman ay sasabak sila sa THE KIDS OOTD PH GRAND FASHION SHOW na gaganapin sa Fishermall organized by Jadidah Lao.

Hmmnn…tipong maganda nga ang pasok ng year of the Pig, 2019 dito kina Kikay Mikay, ha! Well congrats  and more power and success sa inyong showbiz career Kikay Mikay ngayong Bagong Taon. Sana nga ay matu-pad na ang lahat nang inyong mga pangarap habang kayo ay nagdadalaga na.

Comments are closed.