KIKO ESTRADA PILI ANG BARKADA; GUSTO ANG MAY GOOD INFLUENCE SA KANYA

KIKO-ESTRADA

HINDI totally na nakare-relate ang Kapuso actor  na si Kiko Estrada sa kanyang role sa pelikulang “Walwal”.the point

Ginagampanan kasi niya sa nasabing obra ni Joey Javier Reyes ang  papel ni Marco, ang heartthrob at heartbreaker ng barkada na kahit sinong babaeng nakapalda ay papatusin.

“Hindi ako totally nakare-relate kasi hindi naman ako playboy. Of course, sobrang hirap siya sa akin kasi kailangang ibigay mo ang sarili mo to make it human and to make  it believable,” say ni Kiko.

Happy din siya dahil nagkaroon siya ng chance na makatrabaho ang inang si Cheska Diaz sa pelikula.

Nagbahagi rin siya ng karanasan sa pakikipagtrabaho sa kanyang mom.

“Sobrang dali. I mean, it’s so easy. Sobrang natural niyang tao. Sobrang galing niyang aktres. Noong nabuntis siya, natigil ang pag-aartista niya. Papasikat na ang nanay ko noon. May project sa kanya si Mother Lily. One of her biggest hurdles niya before, noong nabuntis siya, natigil ang career niya. Noong pinapasikat na siya ni mother really, I happened. Kumbaga, tinutuloy ko lang ang pangarap  niya sa akin. Someday nga, sana maidirek ko siya kasi gusto kong gumawa ng film. Sabi ko sa kanya, papakita ko sa mundo kung gaano ka kagaling because you know what, my mom took care of me, took care of my family, took care my brother and sister, she gave-up lahat ng pangarap niya, iyong pagiging aktres, so, nakatataba ng puso,” kuwento niya.

Hindi rin ikinaila ni Kiko na tulad ng sinumang kabataan, dumaan din sa rites of passage ng pagbibinata subalit hindi tulad ng iba, hindi raw naman siya naging mapusok.

“Iyong mga friend ko, in-invite akong uminom, kumbaga chill out lang,” ani Kiko. “Kasi ang peers na pinipili ko ay iyong mga totoong tao, iyong mga taong hindi ako  papayagang sumobra. Na kapag nalasing ako, aalagaan nila ako. So far, wala pa namang masamang nangyari sa akin because I have a good set of friends. It’s just like a matter of who you surround yourself with with. I think naman, I surround myself with the best quality people that I can,” pagwawakas niya.

Priority din kay Kiko ang kanyang career at sa estado niya, gusto muna niyang maging established bilang aktor bago magseryosong muli sa lovelife.

Bukod sa “Walwal”, ginagawa rin ni Kiko ang “My Stepmother’s Lover” kung saan kasama niya sina Sunshine Cruz at Martin del Rosario. Ito ay sa direksyon ni Adolf Alix, Jr.

For  your comments/reactions write to [email protected]

Comments are closed.