NASAKOTE ng Intelligence unit team ang kilabot na karnaper sa Brgy.Fortune, Marikina City.
Kinilala ang naaresto na si Eduardo Odibellas y Cadayong, 44- anyos, No. 1 most wanted ng Eastern Police District(EPD) sa kasong carnapping at residente sa nabanggit na lugar.
Nabatid na dakong ala- 6:20 kamakalawa ng gabi, bitbit ng mga tauhan ng intelligence unit at warrant division ang warrant of arrest laban sa suspek at pinuntahan ito sa kanyang pinagtataguan sa Brgy. Fortune ng nasabing lungsod.
Base sa inilabas na warrant of arrest ni Hon. Judge Acerey C. Pacheco, Presiding Judge ng RTC Branch 165 laban sa suspek may kaso carnapping, RA-10883 under Criminal Case #2020-20131-MK at may rekomendasyong piyansa na P300, 000. 00. ELMA MORALES
Comments are closed.