Kilalain ang mga Baluga sa Zambales

Photos & Story by Jayzl V. Nebre

Ang mga Aeta o Ayta o Agta, na mas kilala sa tawag na Baluga, ay mga mangangaso hanggang sa mga panahong nasa Subic pa ang Americano. May sarili silang relihiyon na tinatawag na monotheism. Animist din sila. Sinasamba nila ang isang Makapangyarihang Nilalang na si Apo Na. Siya ang namumuno sa iba pang lesser spirits or deities.

Naniniwala rin sila sa mga environmental spirits, na maaarng masama o mabuti. Simple lamang silamg manumit.

Bahag sa mga lalaki, karaniwang duster sa mga babae.

Naninirahan sila sa mga probinsya ng Bataan, Pampanga at Tarlac, pero ang pinakamarami ay nasa Zambales sa mga munisipalidad ng Botolan, Cabangan, Iba, San Felipe, at San Marcelino.

Sila ang pinakamahuhusay sa pangangaso. Mahilig sila sa pagtitipon, at ang paborito nilang pagkain ay sardinas. Sila rin ang pinakamahuhusay sa jungle survival. Kilala nila ang mga halamang magagamit sa herbal medicine, at hindi patatalo sa paggamit ng pana.

Dahil sa pagsabog ng Mt. Pinatubo, napilitan ang mga Baluga na bumaba sa kabundukan. Nawalan sila ng tahanan at nasira ang kinabukasan. Nasira rin ang kanilang community structures, at napahiwalay pa sa kanilang pamilya.

Una silang dunating dito sa bansa may 40,000 taon na ang nakalilipas, sa panahon ng Paleolithic, gamit ang Sundaland land bridges na nagkakabit sa mga isla ng Asia. Noong 2015, umaabot na lamang sa 57,707 ang bilang ng mga Baluga. Isa sila sa mahalagang ethnic group sa bansa.

Kapag sinabing Baluga, maitim ang balat, kulot ang buhok, at pandak ang kanilang hitsura. Hanggang sa kasalukuyan, kinikilala sila ng mga anthropologist na descendants ng mga orihinal na naninirahan sa Pilipinas. JVN