Knowledge is power, at pagdating sa dieting, lalo pa ngayong 2025 na karamihan sa atin at dieting ang New Year’s resolution — ngunit hindi naman natutupad — alamin muna natin ang tunay na estado ng ating katawan mula sa composition hanggang sa biochemical makeup para makapag-set up ng realistic goals. Pumapalpak tayo kasi hindi realistic ang gusto nating mangyari. That case, nagkakaroon tayo ng maraming setbacks at frustrations.
Self-awareness at self-assessment ang susi.
Nakakapagod mag-diet! Ang core essence ay nasa symbiotic relationship sa pagitan ng healthy diet at positive mindset. Dapat, meron tayong personalized New Year’s weight loss program kung saan, hey, hindi mo parurusahan ang sarili mo at hindi rin affected ang lifestyle mo. Meaning, dapat, masaya ka sa ginagawa mo. At hindi masayang maraming bawal.
Kailangan din ng pasensya. Aba, huwag magmadali! Kung kailangan mong mag-lose ng 10 kilos, be aware na hindi yan kaya sa loob lamang ng isa o dalawang buwan. Kung nababawasan ang timbang mo ng isang kilo kada linggo, matuwa ka na, basta consistent. Wait ka lang, papayat ka rin. Mabuti na yung gradual weight loss kesa naman hindi ka masaya sa ginagawa mo. Isa pa, mahalaga talaga ang self-awareness at self-assessment. Bago ka nga pala magsimula, kumunsulta muna sa duktor. Alamin ang iyong blood pressure, heart condition, sugar level, blood chemistry, creatinin, at kung anu-ano pa — lalo na kung 50 years old and above ka na. Kaming mga lalaki, kailangan naming magpa-check sa prostate. Kailangan po ito para siguradong walang strain.
Sasabihin nyo naman, mahal! Pwede po namang hindi gaanong mahal. May health centers po ang bawat barangay. Libre. Sa mga laboratory, sila po ang magrerekomenda ng mura.
Napakahalaga po nito para ma-achieve ang ating weight loss goals – Kasama po talaga ako dahil sabi ng mommy ko, malaki ang tiyan ko.
Binibigyang diin dito ang kahalagahan ng goals na swak sa individual needs, para maging successful.
Dito po kasi, hindi lamang weight loss ang tututukan natin kundi maging ang physical health ay mental fortitude. Pumayat ka nga, may anxiety ka naman, bago na namang problema!
Tandaan: ang destination natin ay hindi lamang magpababa ng timbang, kundi ang maging masaya at kuntento ka dahil nagkaroon ka ng self-fullfilment.
Kumain ng masustansyang pagkain at magkaroon ng resilient mindset upang maging mas malusog at mas masaya ang buhay.
This time, magkaroon tayo ng lakas ng loob, determinasyon, at zest for life, dahil malapit na tayong magtagumpay.
JAYZL NEBRE