KILALANIN NATIN ANG PINYAPEL

(Pagpapatuloy)
ANG Pinyapel ay nakatanggap ng isang karangalan, ang Wood Pencil sa 2019 D&AD Future Impact Awards sa kategoryang Environment and Sustainability.

Ang pagkilalang ito ay hindi lamang nagbibigay-halaga sa Pinyapel mismo, kundi nagbibigay rin ng plataporma para sa pagtuturo at pag-aaral, na sumusuporta naman sa mga inisyatibang nagsusulong ng kahusayan at kasanayan.

Pinag-isa ng Pinyapel Investor Forum ang mga katuwang sa industriya, kabilang na ang mga kinatawan ng pamahalaan. Ang pagsasama ng DCP, Competitiveness and Innovation Group (DTI-CIG), at ng Export Marketing Bureau (DTI-EMB) sa National Exporter’s Week ay nagpapakita ng kolektibong pagsuporta sa paghubog sa kinabukasan, kabilang na ang pagbibigay ng mga oportunidad sa pamumuhunan sa larangan ng non-wood pulp.

Ang market studies at mga estratehiyang inilatag ni Evariste Catagan, Executive Director ng Philippine Board of Investments, at ni Engr. Ray Geganto ng TAPPI-Ph sa forum na nabanggit ay nagpapakita ng maingat na pagpaplanong ginawa at ginagawa patungkol sa pagtatayo ng Pinyapel pulp mill facility. Ang pamumuhunang ito ay makatutulong para makilala ang bansa bilang isang pandaigdigang sentro ng “sustainable, innovation-driven, at competitive” na serbisyo at produksyon.

Ang Pinyapel Initiative ng DCP at ang Investor’s Forum na isinagawa nito ay nagbibigay-diin sa pangunahing papel ng ahensya na manguna sa larangan ng “sustainable innovation”.

Sa pamamagitan ng pagsasanib ng pagkamalikhain, inobasyon, at “value creation,” hindi lamang itinataguyod ng Design Center ang positibong pag-unlad sa bansa kundi isinusulong din nito ang sariling organisasyon bilang isang tanglaw ng inspirasyon para sa pandaigdigang komunidad ng mga manlilikha.