Kilalanin si Isabel Santos

HINDI  lamang basta kasintahan ng artista si Isabel Santoi. Isinilang siya sa pamilya ng mahuhusay na painters.

About 33-year-old na si Isabel at pinakabata sa mga kinikilalang accomplished painters Soler and Mona. Kapatid niya sina Luis Antonio, at Carina, na mga painters din. Si Soler ang founder of West Gallery at anak siya ng celebrated painter, cartoonist and illustrator na si Mauro “Malang.” Isa si Isabel sa mga kinikilalang visual at illustrator artists sa bansa. Ang mga kwadro niya ay mula sa vintage pop-art hanggang collage. Nakapag-exhibit na siya sa mga sikat na galleries at nag-show na rin sa iba’t ibang panig ng bansa tulad ng West Gallery, Secret Fresh,Silverlens Gallery, Univers, at Art Fair Philippines, at iba pa.

Hindi lamang yan! Kasama si Isabel sa artist residency programs sa New York, Berlin, Germany, at Marnay Sur Seine, France.

Noong 2021, Isa siya sa tatlong Filipino artists na nakipag-collaborate sa Uniqlo Philippines para sa kanilang 9th anniversary.

Mind you! Apo siya ng legendary Filipino artist, cartoonist and painter, Mauro “Malang” Santos, na nakilala sa kakaiba niyang pananaw sa katauhan ng mga Filipino people at ng ating kultura.

Ang kanyang mga magulang — sina Soler at Mona Santos, ay mga visual artists din at silang may-ari ng West Gallery.

Natural lamang na si Isabel at ang mga Kapatid na sina Luis Antonio at Carina ay mga artists din.

Kilala ang kanilang pamilya sa paglikha ng maraming art forms tulad ng painting, illustration, photography, collage, at marami pang iba.

Very stylish din si Isabel. Maganda ang kanyang fashion sense at mahusay siyang mag-make up. In fact, Kasama siya sa Best Dressed list of 2023, ng Preview magazine, kung saan sinabi niyang “her personal style as one that lives in the non-existent in-between that can’t be pinpointed, sitting somewhere in a spectrum.”

Designer na rin ng damit si Isabel, at Mula sa scrap materials!

Multi-millionnaire si John Lloyd Cruz, ngunit hindi pahuhuli ang mga Santos. At sino ang hindi kumikilala sa pamilya ni Malang?

Hindi na kailangang magnegosyo ni Isabel dahil sapat na ang kinikita ng West gallery na pag-aari ng kanilang pamilya, kung saan isa si Isabel sa tatlong tagapagmana, at Isa rin sa ipinagmamalaking visual artist. RLVN