‘KILLER BUS’ SA NLEX SINUSPINDE

Buena Sher Transport Corp

SINUSPINDE ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang Buena Sher Transport Corp. kasunod ng malagim na aksidente na kinasangkutan nito na ikinasawi ng 8 pasahero at ikinasugat ng 11 iba pa habang bumibiyahe sa kahabaan ng North Luzon Expressway bandang Valenzuela City noong Biyernes ng gabi.

Batay sa ipinalabas na notice ng LTFRB, pinatawan ng preventive suspension ang naturang bus company sa harap ng masusing imbestigasyon upang matukoy ang pananagutan nito.

Nahaharap naman sa kanselasyon o pagbawi ng kanilang prangkisa dulot ng insidente ang bus company, habang ina­tasan na ng LTFRB ang pamunuan ng  kompanya na dalhin ang lahat ng kanilang units sa LTO-Motor Vehicle Inspection para isailalim ang mga ito sa road safety inspection.

Pinasasailalim din ng LTO ang lahat ng drivers at konduktor ng bus sa drug testing, medical, actual dri­ving at written examinations.   BENEDICT ABAYGAR, JR.

Comments are closed.